Ayon sa World Reporter na ang mga extra curricular activities ay may malaking silbi para sa mga kabataan. Para sa mga kid, ang benepisyo ng mga aktibidad na ito ay mainam upang magkaroon sila ng pagkatuto sa disiplina. Ito ang ilan sa mga extra curricular activities para sa iyong mga anak:
Sports. Ang pinakamagandang benepisyo ng paglalaro ng sports
ay ehersisyo na mainam para sa mga bata. Ito ay para hindi siya tumaba, ngayon
at sa susunod na araw. Dagdag pa rito, ang maging parte ng team ang magtuturo
sa mga anak kung paano makipag-team sa iba at kung paano manalo at matalo nang
hindi pikon.
Ang paglahok sa sports ang nagpapaibayo sa academic
performance ng bata pero may iskul na kapag hindi siya nakapasa sa klase, hindi
siya papayagan na lumahok sa mga laro sa iskul. Mas magiging maganda ang
pangangatawan kaysa sa mga hindi naglalaro ng sports.
Musika. Sa isang pag-aaral na iniulat ng Monitor on
Psychology, ang estudyanteng nag-aaral ng music lesson at umabot ng isang taon
ay tumataas ang average IQ ng dalawang puntos kaysa sa mga estudyanteng hindi
ganito. Ang music lesson ay nakatutulong para umangat ang emosyon na dama rin
ng ibang tao. Makikita rin ang pag-iibayo ng disiplina dahil kailangang
umiskedyul ang estudyante na mapgpraktis araw-araw para umangat ang music
skills.
Pagboluntaryo. Sa pagboluntaryo, maging paglilinis man ng
parke o pagsisilbi ng pagkain sa mga institusyon, mauunawaan ng bata na bahagi
sila ng malaking komunidad na kailangan ng marami.
Part-time Jobs. Ang baby sitting o ang pagtatrabaho sa isang
local at food restaurant ng isang kabataan ay isang valuable skills. Dahil
pagdating ng paghahanap niya ng full time employment, higit siyang iha-hire
dahil may karanasan siya sa trabaho. Marunong na siya ng tamang pag-iipon at
paggastos ng pera.
Martial Arts. Ang pag-aaral ng martial arts tulad ng
taekwondo o karate ay magtuturo sa bata pareho sa mental at pisikal na
disiplina. Ang pag-aaral ng martial arts ay mabisa para magkamasel siya at
umibayo ang koordinasyon at balanse ng katawan. Maraming martial arts programs
ay may training sa paghinga at manipulasyon ng lakas para matulungan siyang
mabawasan ang stress at maging kampante sa anumang sitwasyon.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment