Kung bago ka pa lang sa pakikipag-relasyon ay nais mo syempreng maging masaya ang takbo ng inyong pagsasama. Sino ba namang nagmamahal ang hindi gugusto sa isang relasyon na puno ng saya at pagibig. Pero dapat mo ring isipin na walang perfect relationship, kaya’t dapat ka ring maging maalam sa mga dahilan kung bakit ang isang relasyon ay nauuwi lang sa break-up. Heto ang ilan:
Lack of Communication
Kapag walang magandang komunikasyon o pag-uusap sa tuwing
kayo ay magtatalo, hindi ninyo madaling maayos ang gusot. Kung may pag-aaway
dapat pareho kayong marunong makinig sa paliwanag kung bakit nagawa niya ang
isang pagkakamali. At syempre pa ay marunong ka ring magpatawad kung isang
beses lang naman niya itong nagawa at nakatitiyak kang hindi na niya ito
uulitin pa. Kung pareho kayong hindi marunong makinig at ma-pride, mauuwi lang
ito sa paghihiwalay.
Controlling His/Her Own Life
Dapat ring isipin na kahit kayo ay magkarelasyon ay may
ibang mundo pa rin siyang ginagalawan. Hindi ito dapat na umikot sa inyong
dalawa lang. Mauuwi lamang ito sa pagkokontrol mo sa buhay niya at ikaw sa
kanya. Hayaan ninyo lang na i-enjoy ang inyong relasyon na hindi mo ipinagdadamot
siya sa kanya ng mga kinasanayan niyang gawin. Pero hindi ibig sabihin nito ay
hindi kayo open sa pagbabago sapagkat kung mayroon mang dapat na baguhin sa
inyong relasyon, ay pag-uusapan ninyo ito.
Forcing Him/Her For A Commitment
Mahirap ang salitang commitment sa isang relasyon. Dumaraan
ito sa proseso ng pagtanggap sa sarili kung ikaw ba ay para lamang sa kanya at
ganun din siya. Huwag mong pasakitin ang ulo mo na maging faithful o loyal sa
iyo ang isang tao lalo’t kung bago lang kayo. Hayaan mo itong mangyari ng kusa,
hindi iyong pinipilit ninyo pareho sapagkat masasaktan ninyo lang ang isa’t
isa. Gamitin din naman ang utak kung nakikita mong walang pagbabago ang
karelasyon.
No Acceptance From The Family
Mahalaga rin na malaman ng iyong pamilya ang tungkol sa inyo
lalo’t isa itong seryosong relasyon. Kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo
rin ang kanyang pamilya. Huwag mo siyang ilayo sa mga ito. Kung tutol ang
pamilya niya sa iyo, maaari kang gumawa ng paraan para mahalin ka din nila.
Take this as a challenge, hindi masamang sumubok lalo’t tunay naman ang
pagmamahal na nararamdaman mo. Mauuwi lang sa break-up ang isang relasyon kung
hindi mo kayang ipaglaban ito sa lahat ng tao maging sa kanyang pamilya o mga
kaibigan.
No Time For Each Other
Oras, mahalaga ito sa relasyon. Kung pareho kayong busy at
walang oras sa isa’t isa. Mauuwi lang ito sa hiwalayan. Hindi naman dapat na
palagian mo siyang kasama. Ang mahalaga ay magkaroon kayo ng quality time
together. Kung wala nito , break-up lang ang kahihinatnan ng relasyon ninyo.
Mahalaga sa ngayon, i-enjoy mo lang ang moment na magkasama
kayo. Huwag i-pressure ang sarili sa pagkakaroon ng isang perfect relationship
kasi hindi yan mangyayari. Basta’t gawin mo kung anong kaya mong gawin para
maipakita sa kanyang seryoso ka sa iyong pagmamahal.
Source: bestlovetips.com
Comments
Post a Comment