Marami na sa atin ang sumusubok na ng pag-inom ng healthy supplements. Ang ilan ay para lumakas ang kanilang resistensya, ang iba nama’y nais na tumalas ang kanilang memorya at ang iba’y upang magkaroon sila ng ginhawa sa pagtulog. Ngunit alam ninyo bang may mga posibleng masamang epekto rin ang mga ito sa ating katawan? Ito ang ilan sa mga pangkaraniwan ng healthy supplements na ating iniinom at mga side effect na pwede mong makuha rito:
Fish Oil
Ang fish oil ay nakakapagpabuti sa kalusugan ng ating
cardiovascular at pati na rin nakakapagpababa ng panganib na tayo ay
magka-kanser.
Ngunit alam ninyo bang pwede rin itong sanhi ng pagkakaroon
ng diarrhea, heartburn at belching?
Marami sa atin ang umiinom ng fish oil health supplement
dahil ito ang pinaka-simpleng paraan para madagdagan ang intake ng Omega-3 sa
ating katawan. Ito ay kinokonsiderang essential fatty acid na kinakailangan ng
katawan upang maging normal ang ating metabolismo.
Pero ang hindi alam ng marami sa atin na ang fish oil din ay
sanhi ng iba’t ibang sakit sa tiyan tulad ng pagtatae, maaari ka ring magkaroon
ng heartburn, o di kaya nama’y mag-amoy isda ang iyong pagdighay.
Pwede mong
maiwasan ang mga side effect na ito kung isasabay at ihahalo mo ito sa pagkain.
Sa gayon, ay makatutulong ito sa iyong panunaw at mababawasan ang malansang
amoy kapag ikaw ay dumidighay.
Ginko Biloba
Ito iyong sa commercial ni Kuya Kim, kung maaalala mo, ito
iyung healthy supplement na nakakatulong para tumalas ang ating memorya.
Ngunit alam ninyo bang ang ilan sa masamang epektong hatid
nito sa katawan ay pananakit ng ulo, pagdurugo at nausea.
Hindi lang iyan, pwede rin itong sanhi ng kakulangan ng dugo.
Kaya’t hindi magandang umiinom ka ng Ginko Biloba kung katatapos mo lan
magpa-surgery. Maging maingat sa pagkonsumo ng ginko biloba, ito man ay
malaking tulong sa ating memorya, sa kabilang banda ay maraming ulat na
nagsasabing naglalaman ito ng iba’t ibang klase ng lason.
Ginseng
Ang ginseng ay kilalang healthy supplement na
nakapagpapalakas ng resistensya at nakapagdaragdag ng enerhiya. Popular na ito
sa atin bilang isang malaking tulong sa ating kalusugan at pagkakaroon ng
healthy lifestyle.
Pero ayon kay Sophian Demonte, tagapagsalita ng American
Pharmacist Association, ang ginseng ay may nakaka-apekto sa hormone receptors
ng ating utak sa pamamagitan ng pagpapasigla ng secretion ng adrenal hormones
na nakaka-apekto sa pagdagdag ng ating enerhiya.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment