Madalas sa mga matatanda na o iyong mga nasa retirement age na ay nakararanas na ng labis na kalungkutan (loneliness). Dumadating kasi ang panahon na sila ay naiiwan ng kanilang mga anak dahil sa mga nagsipag-asawa na ang mga ito o di kaya nama’y tumungo na ng abroad para doon ay magtrabaho. Ang ilan sa mga elderly natin ay naiiwan sa mga home for the aged para doon ay alagaan ng mga caregiver hindi ng kanilang mga sariling anak.
At alam ninyo
bang iyong mga matatanda na nakararanas ng labis na kalungkutan ay silang high
risk na makaranas ng malulubhang sakit tulad ng sakit sa puso, Alzheimer’s
disease pati na rin premature death.
Hindi rin ganun kadali ang enganyuhin silang maging aktibo
sa mga social activities o makisalamuha sa komunidad dahil na sa rin sa
kanilang kalagayan dulot ng katandaan.
Ayon sa Daily Mail, natuklasan na ng mga syentista ang isang
paraan para sa mga matatanda na labanan ang social disease tulad ng kalungkutan.
Ayon sa mga tagapagsaliksik ng Carnegie Mellon University,
sinasabing ang meditation o pagninilay-nilay ay isang epektibong paraan para
labanan ang pag-iisa at labis na kalungkutan. Sinasabing kaya rin nitong labanan
ang mga sakit na sanhi ng mga social diseases gaya ng mga ito.
Ang pagninilay-nilay tulad ng Yoga ay may dalang magandang
benepisyo sa ating kalusugan sapagkat pinababata nito ang ating pakiramdam lalo
pati sa ating brain function.
Ayon kay David Creswell- tulad ng paninigarilyo ang
kalungkutan ay nakamamatay din. Pareho ang masamang dulot na hatid nito sa
ating kalusugan. Dulot nito ay mga salik na labis na naghahatid sa katawan ng
malulubhang sakit pati pagkamatay. Kaya naman sinasabing ang meditation ay
maaasahan na makapagpapabuti sa kalusugan natin lalo pati ng mga matatanda.
Source: MedicmagicDotnet
Comments
Post a Comment