Ang male fertility ay may kaugnayan sa pagkalalaki at sekswalidad. Kaya’t para sa mga lalaki, importanteng malusog at malakas ang kanilang semilya o sperm at may kapasidad itong i-fertilize ang female egg. Kaya’t kailangan mong pagsikapang magkaroon ng isang malusog na pamumuhay para makatulong sa kalidad ng iyong semilya.
Ayon sa men’s fitness, ito ang pitong paraan para magkaroon
ka ng super quality sperm:
Iwasan ang pag-inom ng mga Hair Loss Pill at Anti-depressant.
Ang mga active ingredient na laman ng mga ito ay may epekto sa kabawasan ng
aktibidad ng male hormone. Ang mga anti-depressant tulad ng Paxil at Prozac ay
nakakasira din ng DNA at fertility.
Iwasan o bawasan ang pagsa-cycling. Ang lokasyong ng
testicles ay nakabitin upang ang punlay ay manatali sa temperatura na 2.8
degrees na mas malamig kaysa sa temperatura ng ating katawan. Ang cycling ay
nakagpapadiin sa testis ng lalake. Ang testicular temperature na mas mainit ay
nakakasira sa kalidad ng semilya. Ang matagal na pagbibisekleta ay makasisira
din sa arteries at vein reproduction sa kalaunan.
Mabuti ang pag-eehersisyo para mapagbuti ang kalidad ng
punlay ngunit pumili ng ehersisyo na hindi nakaka-pressure sa testis.
Kailangang manatiling nakalambitin ang bayag para maging stable ang
temperatura.
Limitahan ang pagbababad sa mainit na tubig. Maigi ang hot
tub para alisin ang pananakit ng kalamnan, alisin ang fatigue at may hatid na
ginhawa sa pakiramdam. Ngunit kung madalas ang pagbababad sa mainit na tubig ay
nagdudulot lamang ito ng matinding init ng temperatura sa testis na labis na
makaaapekto sa produksyon ng semilya.
Limitihan ang pag-inom ng kape. Maigi na ang 1 hanggang
tatlong tasa kada araw. Ang labis na caffeine sa katawan ay makaapekto sa
kalidad ng sperm a pati na rin ang iba’t ibang uri ng karamdaman.
Huwag patagalin ang kagustuhan na magkaroon ng anak sapagkat
may epekto rin ang edad sa kalusugan ng punlay ng isang lalake.
Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alcohol. Ang
nikotina at alcohol ay mabilis na nakakasira ng sperm higit na doble kaysa sa
iba pang salik na nakaka-apekto sa sigla nito. Binabawasan ng nikotina ang
produksyon ng semilya.
Iwasan ang ma-stress. Mas stress ang mga lalake kaysa babae
kapag pinag-uusapan ang pagkakaroon ng anak. Walang madudulot na mabuti ang
stress sapagkat ito’y labis na naka-aapekto sa produksyon ng semilya. Kailangan
mo itong paglaban, pag-usapan ninyo itong mag-asawa upang tumatag ang inyong
kalooban sa usaping pagkakaroon ng supling.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment