Sinong nagsabing sa gym ka lang pwedeng pumayat o sumeksi? Alam ninyo bang kahit nasa bahay ka lamang ay pwede ka ng maging slim? Maraming gawaing bahay kasi na pwede mong maging ehersisyo araw-araw. Ito ang ilan sa mga ito:
Magligpit ng iyong higaan. Alam ninyo bang 130 calories na
ang iyong kayang sunugin sa pamamagitan pa lang ng pag-aayos ng inyong higaan?
Katumbas ito ng 15 minutes na pagte-treadmill sa gym.
Maglinis ng banyo. 200 calories naman ang kaya mong sunugin
sa pagscrub ng sahig, tiles, toilet bowl at bath tub sa loob ng inyong banyo.
Maglinis ng bintana. 125 calories ang kayang masunog sa
pagpapakintab pa lang ng inyong bintana. Kayang-kaya mong mabawasan ang iyong
taba.
Maghugas ka ng plato. Sa paraang ito tiyak na 160 calories
na ang kayang masunog. Kaya’t huwag lang kain ng kain, at huwag katamaran ang paghuhugas
ng pinggan.
Gumamit ng walis at pandakot sa paglilinis o di kaya’y
vacuum cleaner. Kaya nitong tanggalin ang 90 calories sa iyong katawan kung
gagawin mo ito araw-araw. Katumbas iyon ng pagki-kick boxing ng 15 minutos. Sa
paglilinis ng bahay at pagdakot ng mga alikabok, kaya mong magsunog ng 50
calories sa iyong katawan.
Pamamalantsa. Kaya mong magsunog ng 70 calories kapag ikaw
ay namamalansta. Kung nais mong magpapayat ay huwag ka ng magbayad pa sa mga
laundry and ironing shop para gawin ito. Ikaw na mismo ang gumawa, bukod sa
matipid na, pwede ka pang makapagbawas ng timbang sa pamamagitan nito.
Higit syempre pa kailangan mo lang i-enjoy ang mga gawaing
bahay na ito. Isipin mo na lang ang hatid na benepisyo nito hindi lang sa
kalinisan ng inyong tahanan kundi pa rin sa ikagaganda ng iyong pangangatawan.
Anu pang hinihintay mo katoto? linis na.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment