Skip to main content

Paano Magsimula ng Negosyong Nail Salon



Mahilig ang mga babaeng magpa-manicure at pedicure kada dalawang linggo, ang iba nga’y mas madalas pa rito. Kaya naman isang patok na negosyo rin ngayon ang nail salon dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay lisensyadong nail tech o isang entrepreneur na naghahanap ng isang negosyong patok, maaaring ang pagpapatayo ng isang nail salon ang iyong pinakahihintay. Ang pagkakaroon ng magagandang kuko ay tiyak na nasa listahan na ng mga kababaihan tulad sa pagbisita nila sa isang nail salon. Makikita mong ang mga babae ay nagkakandarapa na makita ang kanilang manikurista..


Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa pagsisimula ng nail salon:

LEGAL
Upang maging legal ang iyong negosyo ay nararapat lamang na isang lisensyadong nail tech o certified ka sa pagsasagawa ng manicure at pedicure o iba pang pag-aalaga sa kuko. Hindi pinahihintulutan ng board of health ang mga hindi lisensyadong nail tech na mag-operate ng nail salon. Sa kabilang banda, kung hindi ka man certified nail tech ay mag-hire ka na lang ng mga taong lisensyado. Bilang isang entrepreneur ay kinakailangan mo ng business o occupational license at iba pang requirements na nire-require ng iyong local.

SERBISYO
Sa pagsisimula ng nail salon ay paka-isipin mo kung anu-ano ang mga serbisyo ang iyong i-aalok sa iyong mga kliyente. Basic manicure, pedicure ba, mag-oofer ka ba ng fiber glass at gel nails, o di kaya naman ay acrylic nails at airbrushed nails? Mas magiging appealing sa iyong mga suki kung lahat ay pwede mong i-offer sa kanila.

GASTOS
Ang pagbubukas ng nail salon ay nangangailangan ng may kalakihang puhunan. Sapagkat kinakailangan mong mag-renta ng commercial space para rito, patok ito sa mga lugar tulad ng shopping center o downtown area kung saan marami kang magiging walk-in customers. Ang ilan sa mga nais magsimula ng negosyo ay nag-aaply ng maliliit na business loan para makapagsimula. Ang sukat ng commercial space na iyong kakailanganin ay dapat ibase sa sulat ng negosyong nais mong simulan. Ilang manicure station ba ang nais mo? Gaano kalaki ang gusto mong waiting area at reception area. Magbigay din ng ilang silid o pagitan sa mga manicure station para madaling makakilos ang mga tauhan mo at kliyente.

Nais ng mga nagpapa-manicure na sila ay ma-relax kung kaya’t ideal ang malawak na espasyo. Huwag ding ipagsawalang-bahal ang proper ventilation ng lugar dahil ang chemical na ginagamit sa pagmamanicure at pedicure ay hindi maganda sa pang-amoy lalo pati sa kalusugan.

Bukod sa pagrerenta, kailangan mo din ng puhunan sa manicure station, supplies, furnishings at furniture para sa waiting at reception area at pati na rin sa pagreremodel.

SET-UP
Kapag ready na ang nail salon mo ay maging handa ka na sa pag-hire ng nail tech mo. Magkaroon din ng isang website para sa pagbubukas ng iyong negosyo para magkaroon ng online presence at magbigay ng magandang exposure sa iyong negosyo.

Sa ngayon, mas prefer ng mga kliyente na makapag-sched ng appointment o mangalap ng impormasyon tungkol sa nais nilang subukang serbisyo gamit ang online website ng isang negosyo.

O ikaw? Nais mo bang mag-negosyo at mahilig ka sa manicure at pedicure? Bakit hindi mo subukan ang negosyong nail salon?
Source: Businessdiary

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...