Bad trip ka ba na nadukutan ka na naman sa araw na ito habang siksikan sa MRT o di kaya nama’y habang standing ovation ang bus na sinasakyan? Kung ito na ang maka-ilang ulit na pangyayari sa iyong buhay, ang madukutan, hindi kaya’t na sa iyo na rin ang dahilan kung bakit nangyayari ito. Baka hindi ka marunong mag-ingat. Bueno, heto ang ilang safety tips para hindi na ‘yan mangyari sa iyo.
Kailangan ng kumpyansa, mas gustong biktimahin ng mga
mandurukot ang mga taong parang nawawala, nalilito, tanga-tanga o wala sa
sarili. Kung nawawala ka. Iwasang tumayo sa lugar at titingin sa kawalan. Sa
halip ay pumasok sa loob ng convenient store at magtanong.
Dapat dikit na dikit sa katawan mo ang mahahalagang
kagamitan at damahin mo itong mabuti. Ang mga backpack ay mas madaling maging
biktima ng mga mandurukot. Gumamit ng front pack o money belt na nakatago sa
loob ng jacket.
Maglagay lamang ng walang lamang wallet sa back pocket para
madismaya ang mandurukot.
Kapag nasa pampasaherong jeep o bus ay tigilan mo muna ang
pag-te-text o pagsagot ng tawag. Ang ilan pa sa atin, kapag bago ang cellphone
ay inilalabas pa ito para bang ipinagyayabang na nakabili siya ng bagong
cellphone. Walang madudulot na maganda sa iyo ang yabang, kaya kung ako sa’yo,
isiksik mo na lang maigi sa secret pocket ng iyong bag ang cellphone mo o iba
pang gadget mo bago pa ito madukot sa iyo.
Iyan ang ilang paalala namin sa inyo mga katoto, lagi po
tayong mag-ingat. Kung nangyari na ang insidente na ikaw ay madukutan, ay huwag
ng manlaban ba sa mandurukot, hayaan mo na ang dinukot sa iyo bago pa maging
mitsa pa iyan ng buhay mo.
Source: Bulgar credits to Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment