Sa panahon ngayon, kailangan na talaga ng labis na pag-iingat. Hindi mo na kasi alam kung sino ba sa mga nakasasalubong mo sa daan ang mapanganib. Hanggang ngayon, mataas pa rin ang porsyento ng krimen sa ating bansa gaya na lang ng Hold-up. Ito ang ilan sa mga safety tip para makaiwas tayo sa holdapan.
Kausapin ang kapitbahay hinggil sa kaligtasan ng bawat isa.
Mag-organize ng mga epektibong estratehiya para maiwasan ang krimen. Gawin ito
ng buong komunidad para maingatan ang lahat.Lahat sila ay tiyak na minsan sa
buhay nila ay biktima na ng holdap o ng insidente ng nakawan.
Sumulat sa lokal na pulisya sa lugar hinggil sa problemang
kinakaharap ng mamamayan sa laganap na nakawan at holdapan sa lugar at saka
lagdaan ng nakararami.
Magtalaga ng mga tanod sa lugar. Bantayan ang mga taong
kahina-hinala sa inyong kapitbahay. Maglagay ng mga sign kung saan madalas may
nabibiktima ng holdap o nakawan para magng alerto ang mga mamamayan.
Magkaisa na rin na magtalaga ng street patrol sa lugar. Ang
mga myembro ay pwedeng mag-patrol sa sidewalk sa lugar suot ang mga t-shirt na
may tatak bilang tanod.
Linisin at ayusin ang kapaligiran. Ayon sa pag-aaaral, ang
mga kriminal ay mas gustong naglalagi sa maruming lugar o abandonadong tahanan.
Makipag-usap sa chief of police sa lugar at mag-request na
maglagay sila ng patrol car para magsilbing panakot sa mga kriminal.
Ihanda ang sulat para sa meeting ng mga magkakapitbahay para
sa anumang kahilingan na pinagkaisahan. Handa namang makipagtulungan ang
pulisya sa mga taong magkakaisa.
Mag-alaga ng matapang na aso, kung nag-aalala ka na maging
biktima ng kriminal na kalye. Mas mainam na magsama ng aso.
Mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa sa atin. Kaya’t labis
na pag-iingat ang ating sandata upang hindi tayo mabiktima ng krimen gaya ng
holdap.
Source: Bulgar credits to Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment