Ramdam mo na ba na parang nanlalamig na sa’yo ang syota mo? Ramdam mo na bang hindi na siya tulad nang una ka niyang nakilala? Baka hindi ka na niya mahal? Baka nais na niyang makipaghiwalay sa’yo? Paano ba malaman na ayaw na sa’yo ng syota mo at gusto na niyang makipaghiwalay? Heto ang ilang senyales:
Wala na siyang oras sa iyo. As in wala na talaga siyang oras
sa’yo. Tipong mas mahal niya pa ang Dota at uunahin niya ito kaysa ang
makipag-date sa’yo. Lagi siyang busy o tipong sasabihin niyang busy siya habang
nakikita mo lang sa harapan mo na nanood lang siya ng mga Fliptop videos sa
youtube. Naku ka, hindi mo pa ba tatanungin ang sarili mo: Mahal ka pa ba niya?
Hindi na siya interesado makinig sa mga kwento mo. Kahit
iyong mga date ninyo na magkasama kayo ay mas inuuna niya pang mag GM sa mga
ka-clan niya kaysa makinig sa mga nagaganap sa buhay mo. Wala na siyang interes
na kausapin ka. Hindi na siya gumagawa ng paraan para makita ka niya. Hindi na
siya nagsasabi na “sige, punta ka dito sa bahay” kasi ayaw na nga niya. Ano ka
ba naman?
Hindi na rin interesado sa’yo ang mga kaibigan o barkada
niya. Tipong kapag kasama mo ang mga ito ay lagi ka na lang tinatanong na “
Kelan kayo nag-break” o “Break na ba kayo?” – for sure kaya ganyan ang barkada
niya kasi nasabihan na niya ang mga ito na gusto na niyang makipagbreak sa’yo.
Lagi na lang siyang may alibi sa mga date ninyo na
lagi na lang cancelled dahil sa kanya. Lagi siyang may dahilan na masama ang
pakiramdam niya, may tatapusin siyang project sa school, may pupuntahan siyang
okasyon at iba pang dahilan na obvious naman sa iyo na gawa-gawa niya lang pero
pinipilit mo na lang maniwala kasi nga mahal mo siya pero ikaw hindi na niya
mahal. Malinaw na gusto na niya ng break-up.
Sa tuwing mag-uusap kayo ng plano tungkol sa inyong future
ay hindi mo na naririnig sa kanyang mga pangungusap ang salitang “TAYO” kundi
palaging “Ako” – indikasyon ito na hindi
na niya nakikita ang kanyang sarili na kasama ka sa mahabang panahon. Goodbye
na sa’yo…coming soon na yan.
At ang huli gumagawa na lang siya ng dahilan para magselos
ka para iwan mo na siya o di kaya nama’y sunod sunod ang pagdududa niya na
hindi naman niya ginagawa sa iyo dati. Kung minsan pa’y lagi ka na lang niyang
sinisisi kahit na siya ang may pagkakamali. Gumagawa na lang siya ng dahilan
para magalit ka sa kanya at tuluyan mo siyang iwan para lumabas na ikaw ang
dahilan ng break-up hindi siya.
Ramdam mo na po? Nagbubulag-bulagan ka lang. Kundi ka na
mahal ng tao, kahit mahal mo pa at mahirap gawin let go muna. Ang pagmamahal ay
two way traffic, hindi pwedeng ikaw lang ang nagmamahal sa relasyon dahil kung
ikaw lang, para ka lang engot.
Source: superlovetips
na ka relate ako,dahil bf ko 10x ko nang hiniwalayan,pero ayaw parn nia tanggapin,inis na ako ei dahl 2 WEEKS d magparamdam
ReplyDeleteRelate... ung tipong kahit may load sya d k nia tnetxt at kht ol sya s fb .. wla syang pake sa msgs. mo
ReplyDelete