Pakiramdam mo ba ay sakal na sakal ka na sa iyong syota? Ramdam mo na ba ang paghihigpit niya sa iyo kahit hindi naman dapat? Naku, baka senyales na iyan na ang kasintahan mo ay sobrang possessive o sobrang seloso. Heto ang ilang paraan para malaman mong sobra na ang pagseselos niya.
Palagi niyang tinatanong kung saan ka pupunta sa tuwing
aalis ka na lang ng bahay. Iyong tipong kahit kakain ka lang sa labas kasama ng
iyong mga kasamahan sa opisina ay pagdududahan niya na may katatagpuin kang iba.
Senyales ito na sobrang seloso ang tao, nakakasakal at pagpapakita ito na hindi
ka niya na-mi-miss kundi duda siya sa iyo o pagpapakita ito ng kawalan ng
tiwala.
Palagi ka niyang tinatawagan o tine-text ng paulit-ulit kung
nasaan ka at anong ginagawa mo. Tipong nasa opisina ka at nagtatrabaho, o nasa
skul ka lang ay makaka-receive ka ng mga text na gaya nito:
“ Nasaan ka na, ba’t di ka nag-rereply? BAT DI MO SINASAGOT
TAWAG KO? BAD TRIP A”
“Siguro makikipagkita ka sa EX mo kaya di ka nasagot!”
“Sumagot ka ? NASAN KA NGAYON! Gusto mo puntahan ko bahay ng
EX mo para mahuli ko kayo? “
Ang mga ganito ay hindi pagpapakita na nag-aalala sa iyo ang
iyong kasintahan kundi pagpapakita ng kanyang insecurities at kawalan niya ng
tiwala sa iyo. Senyales ito na sobra ang pagka-possesive ng karelasyon mo.
Kinokontrol niya na ang buhay mo. Tipong dapat alam niya
palagi kung anong oras ka uuwi ng bahay, anong isusuot mo, anong kakainin mo,
anong trabaho ang gusto mong aplyan. Tipong siya na lang lagi ang dapat masunod
at hindi na nasusunod ang mga gusto mong gawin.
Gusto niya sa kanya lang umikot ang mundo mo. Hinihiwalay ka
niya sa iyong mga kaibigan at pagbabawalan kang makasama ang mga ito kapag
gigimik sa labas. Tipong wala ka ng laya at para kang nakakulong sa isang
masikip na hawla.
Iyan ang ilan lamang sa mga warning signs na wala na sa
lugar ang pagseselos ng partner mo. Maiging pag-usapan ninyo ang tungkol dito.
Kung walang lugar para sa kanya ang makinig, pagdesisyunan mo ito kung dapat ka
bang magpakatanga pa sa kanya o kung dapat mo ng tanggapin na hindi ka niya
tunay na gustong lumigaya bilang isang indibidwal na may sarili ring buhay na
dapat galawan.
Source: superlovetips
Comments
Post a Comment