Ang isang baso ng soy milk ay naglalaman ng mas maraming fat at calories kumpara sa gatas ng baka. Kilala ito bilang pangunahing pagkain na pwedeng pagkunan ng mga probiotic substance. Mayroon pa ngang pag-aaral na ang soy milk ay nakatutulong na lunasan ang sakit na osteoporosis. Kaya naman mas pinipili na ng ilan ang soy milk kumpara sa gatas na mula sa hayop tulad ng baka.
Pero alam ninyo ba na ang Soy Milk ay sanhi din ng Tooh
Decay. Ayon sa pag-aaral, kapag tayo ay kumokunsumo ng soy milk, ang bacteria
sa ating bibig ay limang beses na nagpo-prodyus ng acids na kapag patuloy na
nabubuo ay pwedeng magresulta sa akumulasyon ng corals, na nagiging cavities
pagkatapos.
Sabi ni William Bowen, isang professor ng microbiology at
imunulogy sa University of Rochester’s Center for Oral Biology, na hindi man
agad-agad nakaka-tooth-decay ang soy milk pero sa araw-araw na pagkonsumo nito
lalo na ng mga bata o infants, ay hindi imposibleng maging sanhi nga ito ng
dental plaque formation.
Hinaluan nila ng streptococcus mutans bacteria ang gatas.
Ang bacteria na ito ay madalas maging implikasyon ng sanhi ng cavities. Ang
resulta ng pag-aaral ay mas mabilis na nag-react ang soy milk acid sa loob ng
10 minuto. Kumpara sa acidity ng cow’s milk na walang pagbabago. Kapag
nakontamina ng laway, ang gatas ng baka ay nagpo-prodyus ng epekto sa
produksyon ng acid resistance.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment