Kung akala mo’y malalaking kompanya lang ang pwedeng makinabang sa outsourcing business processes ay nagkakamali ka. Dahil kahit sa anupamang aspeto ng pagnenegosyo, confidential man tulad ng finance o human resource data ay puwedeng i-outsource- Raymond Lacdao, executive director ng industry affairs of the Business Processing Association of the Philippines (BPAP)
Ayon pa kay Lacdao, sa pamamagitan ng outsourcing- mula sa
simpleng pagpoproseso ng invoices, hanggang sa koleksyon, mula sa sales at
marketing, payroll, at timekeeping hanggang sa mga komplikadong trabaho gaya ng
credit risk at portfolio analyses – ang isang negosyo ay nakakapagpokus sa kanilang
core competencies pati sa pagtutuon ng pansin sa kalamangan nila sa kanilang
mga ka-kompetensya.
Sa pamamagitan ng outsourcing, ang mga nagsisimula lamang
magtayo ng maliit na kumpanya ay makakatipid sa labor cost. Tulad ng halimbawa
na imbes na mag-hire o magtrain ng sarili mong empleyado at gumastos sa
pagpapatayo ng sarili mong training laboratory, bakit hindi mo na lang ito
i-outsource at tiyak na malaki ang matitipid mo. Nakakatulong pati ito sa
performance level ng iyong kompanya sa kabuuan.
Kailan ang tamang panahon para mag-outsource?
- Mag-isip maigi kung anong departamento o parte ng trabaho ang nais mong ipagawa sa iba.
- Isang malinaw rin na indikasyon ng pangangailangan sa outsourcing kapag ang isang kompanya ay nakararanas ng pagtaas sa kanilang labor cost.
- Tulad halimbawa kapag nahihirapan ka ng maghanap ng empleyado na tatapos sa mga nakabinbin na proyektong iniwan ng dati mong empleyado- magandang option din ang outsourcing.
Sa paghahanap ng tamang provider. Ito ang ilan sa tips para
sa tamang pagpili:
- Kailangang magampanan ng provider ang lahat ng iyong pangangailangan.
- Alamin ang lokasyon ng provider
- Alamin ang tipikal nilang kliyente
- Alamin ang kanilang track record
- Alamin ang kanilang cost structure at kung kaya mo itong mabayaran
Kung ikaw ay may maliit na negosyo at naghahanap ka ng mga
contractor. Maaari kang maghanap sa internet gamit ang Odesk, elance at
freelancer website. Ang mga ito ay pangunahing website kung saan libo-libong mga
freelancer at contractor ang puwede mong ma-hire. At sila ay nasa iba’t ibang
panig ng mundo- mayroong magaling na programmer sa India, graphic designer sa
U.K, language translator sa Spain, Web Editor sa U.S, voice talent sa France,
at virtual assistant sa Pinas. Saan man sa mundo, ay maaari mo ng i-outsource
ang iyong mga pangangailangan sa ilang departamento ng iyong kompanya gamit ang internet.
Source: entrepreneurph magazine
Comments
Post a Comment