Malaki ang ginagampanan ng isang ina bilang ilaw ng tahanan. Sa iyo humuhugot ng lakas at pagmamahal ang iyong mga anak. Kaya naman ang pagiging positibo sa buhay ay napakahalaga para sa iyong paggabay at para na rin sa iyong sarili.
Ibabahagi namin sa inyo ang Tips para laging positive
thinking ka sa iyong tungkulin bilang ina:
Think of happy thoughts as you woke up early in the morning.
Pilitin agad na maging positibo at malakas pagkabangon sa umaga. Habang
dismayado at pagod ka kung minsan ay hindi naman maiiwasan, tandaan na ang mga
negatibong karanasan ay hindi ibig sabihin na dismayado ka na. Ang susi para
maging positibong ina ay sikapin na magtiwala sa sarili.
Praise your kids and appreciate their achievements. Tingnan
nang positibo ang mga anak at maging espesipiko kapag pinupuri sila. Palakasin
ang kanilang loob at iwasang idiin sila sa mga pagkakamali. Kung dismayado ka
sa isang bagay na kanilang ginawa, ituwid sila at huwag siyang ipakadiin sa
isyu at sisihin.
Help your kids to discover their talent. Tulungan ang bata
na madiskubre ang kanilang talent, galing at talino. Ipadama mo ang iyong
kumpiyansa sa kanila at tulungan sila na maabot ang mga layunin at pangarap.
Always smile and stay happy. Dalasan ang pagtawa at
pagngiti. Ito ang magpapaganda ng inyong kondisyon at magpapaibayo ng sarili at
dahil dito, mas komportable rin ang mga anak at magiging masaya.
Be patient. Habaan ang pasensya at maging mabait sa mga
anak.
Stay cool. Easy ka lang lagi, cool kumbaga, take it easy ‘ika
nga. Kung nais mong mapagsabay ang ganda ng relasyon sa mga anak at matupad ang
gawaing bahay, ayusin mo muna ang relasyon sa kanila. Ang mga gawaing bahay ay
nariyan at di nawawala habang lumalaki ang mga bata hanggang sa tuluyan na
silang mag-asawa at lumisan.
Don’t be blameful. Sikaping huwag maninisi sa lahay ng bagay
at huwag ding dalasan ang reklamo lalo na sa harap ng mga bata. Habang madalas
mo itong gawin, mas lalo lamang lalala ang sitwasyon at lumilikha lang ng
negatibong kapaligiran. Magsikap at magsipag na magkaroon ng magandang ugali sa
lahat ng bagay. Pinaghihirapan talaga ang maging positibo.
Post some quotes around the house. Itong mga paskil na ito
ay para paalalahanan ang mga bata hinggil sa pagiging positibo at matatag.
Dekorasyunan ang tahanan ng mga bulaklak at matitingkad at makukulay na
larawan.
Organize some activities. Gumawa ng isa o higit pang mga
nakasisiyang aktibidad na kasama ang mga bata araw-araw.
Give time for yourself. Paminsan-minsan ay magpaiwan ng
bantay para sa mga bata at lumabas ka kasama ng mga kaibigan, mamili o
mag-shopping o kaya ay magpa-manicure, pedicure. Kapag may break ka, sasaya ka at mas magiging positibo
ka at matatag.
Forgive and forget. Matutong magpatawad at kalimutan na ang
lahat ng negatibo.
Keep a happy home. Magsikap na gawing masayang lugar ang
tahanan. Tiyak na tuwang-tuwa ang mga bata kapag nakikitang positibo at matatag
ang kanilang ina.
Source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment