Ang peanut butter ay gawa sa inihaw na mani, kadalasan ay maalat at kung minsan naman ay minatamis. Mabibili ito sa grocery at mga tindahan ngunit kayang-kaya mo itong gawin kahit nasa bahay lang.
Isang masarap na palaman sa tinapay ang peanut butter kaya’t
gustong gusto rin ito lalo na ng mga bata. Ang peanut butter din ay mataas sa
protina kaya’t may buting dulot din naman sa kalusugan.
Kung paborito mo ang peanut butter at naghahanap ka ng
sideline. Bakit hindi mo subukan ang pagbebenta ng home made peanut butter.
Simulan mo sa iyong mga kapitbahay o mga kaibigan. Tiyak na kapag masarap ang
peanut butter na gawa mo, ay sa iyo na sila bibili.
Heto ang tips sa paggawa ng peanut butter:
Mga Sangkap
1 kilo ng inihaw na mani
1 ½ tasa ng asukal
1 ½ tbsp ng asin
1 tasa ng mantika
Food Blender
Ito ang paraan ng pagluluto:
- Tanggalin ang balat ng mani
- Para sa isang creamy style na peanut butter, gumamit ng blender sa paggiling sa mani. Makagagawa ka ng creamy peanut butter sa pamamagitan ng maiging paggiling sa mani kasama ng mixtures.
- Kung nais mo naman ng chunky peanut butter, ilagay ang mani sa food processor o sa isang gilingan. Maglagay lamang ng mga malalaking piraso ng dinurog na mani sa creamy mixture pagkaraang gilingin.
- Magdagdag ng isa hanggang dalawang kutsarang mantika sa kaunti dami at igiling muli ang mixture hanggang sa magpantay ng muli ang peanut butter.
Source: businessdiary.com.ph
gud day ..may ililinaw na tanong lang po ako. sa isang kila pong mani na gagawing peanut butter ay may sangkap na 1 1/2 na asin bawat kilo ? di po ba mapapa alat masyado ang gagawin kung peanut butter ? marami pong salamat .. mabel of caloocan city
ReplyDelete1 1/2 table spoon lang naman
DeleteDinaman aalat yon
1 1/2 table spoon sa isang kilong mani, hindi naman aalat yon
Delete1 1/2 table spoon sa isang kilong mani, hindi naman aalat yon
Delete1 1/2 TABLESPOON NG ASIN.
Delete