-->
Sa mga nais kumita ng extrang pera. Pwedeng-pwede mong
subukang magbenta ng powder detergent, fabric softener at dishwashing liquid.
Ito ang Tips Sa Paggawa para sa tatlong produktong ito - mga kailangan:
Basin
Wooden Ladle/ Plastic Ladle
Tasa at kutsarang panukat
Plastic bag na transparent
Timba
Electric stove
Maliit at medium size na botelya
Timbangan
Hand gloves
Unahin natin ang paggawa ng powder detergent:
Mga sangkap
1000 g ng soda ash
160 g ng Linear Alykyl Benzene Sulfuric (LABS)
100 ml ng distilled water
40 g sodium tripolyphospate (STPP)
800g sodium sulfate
100g sodium metasillicate
40g sodium perborate
20 g ng carboxy methyl celluse (CMC)
24 g coco fatty alcohol sulfate (CFAS)
10g speckles
5ml ariel
*ito ay makagagawa ng 2 kilo ng powder detergent
Ito ang paraan para makagawa ng powdered detergent:
- Paghaluin ang soda ash at LABS. Gumamit ng wooden ladle sa paghahalo
- Idagdag ang 100 ml ng tubig
- Haluin maigi hanggang sa lumamig
- Idagdag pa ang natitirang mga sangka at haluin
- Pwede mo itong lagyan ng pabango kung nais mo at i-pack na para ibenta
Sa Paggawa naman ng fabric softener, ito ang mga sangkap:
250 g ng Fabric Softener Flakes
10 ml ng Ethyl Alcohol
10 ml ng Downy Scent
*Maaaring makagawa ito ng 3 litro ng fabric softener
Ito ang paraan kung paano gawin:
- Durugin ang 250 gram ng fabric softener flakes sa isang plastic container, gumamit ng wooden ladle
- Dahan-dahang haluin ang flakes sa 2 L ng hot de-ionized na tubig at haluin para matunaw ang flakes
- Haluin at hayaang lumamig
- Kapag natunaw ng lahat ang flakes, maghalo at idagdag ang 1 litro ng de-ionized o distilled na tubig
- Sunod-sunod na idagdag ang 10 ml ng ethyl alcohol at 5 ml-10 ml ng downy fragrance
Sa paggawa naman ng dishwashing liquid, ito ang mga sangkap:
Sodium Lauryl ethyl sulfate (SLES) 150g
Sodium chloride 50g
Coco deethanolomyte (CDEA) 60ml
Water soluble-dye green 10 ml
Benzalkonium chloride .01 ml
Kalamansi scent 10 ml
*Makagagawa ito ng 2 litrong dishwashing liquid
Ito ang paraan para gawin ito:
- Maghalo ng 150 g ng SLES na may 50g ng sodium chloride
- Haluin at dahan-dahang idagdag ang 1400 ml ng hot-ionized na tubig
- Ihalo ang additives a fragrance pagkaraa’y palamigin
- Ilagay sa plastic container o botelya.
Ikaw? Nais mo bang mag-negosyo ng fabric softener, detergent
at dishwashing liquid? Hindi ba’t napakadali lamang gawin ng mga ito. Madali na,
puwede ka pang kumita.
Murang Sabon sa Cavite (Retail and Wholesale) Text 09176594638
Murang Sabon sa Cavite (Retail and Wholesale) Text 09176594638
Source: businessdiary
-->
Saan po nabibili ang mga ingridients na kakailanganin?
ReplyDeleteSaan Po nakaka bili Ng mga engregens n mga kakailanganin
ReplyDelete