Ang mango jam ay isang produkto tulad ng jelly na sugar-concentrated. Mapa-hilaw o hinog na mangga ay pwedeng gawing jam. Ang paggawa ng homemade mango jam ay isa ring magandang ideya sa pag-nenegosyo. Tunay ngang swak na negosyo ito lalo’t marunong kang i-market ang produkto mo. Maaari mo itong ibenta sa iyong mga kaibigan, kapitbahay, ka-opisina at pati na sa mga restoran, bazaar at food shops.
Interesado ka bang malaman kung paano ang pagluto ng mango
jam? Heto ang tips para sa’yo:
Ito ang mga kailangang sangkap:
10 kilo ng hinog at hilaw na mangga
½ ng pinong asukal
1 kutsarita ng citric acid
Ito naman ang mga gagamitin natin sa pagluluto:
Kutsilyo
Sandok
Palanggana
Tasa na panukat/kutsara
Handa na ba ang iyong mga sangkap at kagamitan? Heto naman
ang paraan para sa pagluto ng Mango Jam:
- Hugasang maigi ang mga mangga para maalis ang dumi.
- Hiwain ang mangga (tidbits)
- Kunin ang laman ng mangga gamit ang kutsara
- Kayurin ang sapal mula sa buto gamit ang kutsilyo. Masahin gamit ang tinidor. Sukatin.
- Magdagdag ng sapat na dami ng asukal at haluing maigi.
- Lutuin at patuloy na haluin.
- Magdagdag ng 0.3 citric acid ( ito ay 1 at kalahating kutsarita para sa 4 at ¼ na tasa ng sapal ng mangga) kapag nangangapal na.
- Patuloy na lutuin hanggang ang temperatura ay umabot sa 105 degree C.
- Ibuhos ang mainit na jam sa sterilized na garapon at magiwan ng kaunting espasyo para sa pagtakip
- Takpan maigi at palamigin.
Paborito mo ba ang mangga? Hanap mo ba ay iba pang
pagkakakitaan ? I-mango jam business mo na yan katoto.
Source:
businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment