Isang masarap na kakanin ang Puto Bumbong. Mabenta ang kakanin na ito lalo pa’t tuwing sasapit ang pasko. Parte na kasi ito ng tradisyong pinoy na kapag magsi-simbang gabi ay hindi pwedeng hindi uuwi na walang bitbit na masarap na puto bumbong.
Nais mo bang magsimula ng Puto Bumbong Business? Ito nag
tips sa pagluluto nito:
Ang mga kailangan na sangkap:
1 tasa ng malagkit na bigas
2 kutsaritang food coloring na kulay ube
2 tasa ng tubig
Panutsa
Ito ang mga kailangan na materyales sa pagluluto:
Kutsilyo
Maslin na tela
Panala
Steamer na ginagamit sa paggawa ng puto
Ngayong handa na ang mga sangkap at kagamitan mo sa
pagluluto. Simulan na natin ang pagluluto ng masarap na puto bumbong:
- Magbabad ng malagkit na bigas sa tubig ng hanggang magdamag
- Durugin ang binabad na bigas
- Ihalo ang food color sa bigas habang ito ay dinudurog
- Balutin sa maslin na tela ang bigas na dinurog at salain para maalis ang ilan pang natitirang tubig dito. Pwede ka ring gumamit ng isang mabigat na bagay para maigi mong masala ang bigas.
- Matapos salain ang dinurog na bigas, ikuskos ito sa screen ng panala para maging galapong (coarsed grained rice flour)
- Ngayon ay pwede na itong maluto. Punuin ang bamboo tube ng sapat na dame ng malagket na bigas at ilagay na sa steamer. Dapat kumukulo ang tubig sa steamer.
- Pakuluan ang galapong ng 10 minuto.
- Kapag luto na ay pwede mo na itong alisin sa bumbong gamit ang kutsilyo.
- Magpahid ng mantikilya sa puto bumbong at lagyan din ng panutsa.
- Lagyan din ng kaunting niyog bago ihanda.
Ang recipe na ito ay pwede ng makagawa ng 6 hanggang 8 puto
bumbong.
Masarap na kakanin? Negosyong pagkain na swak sa panlasa ng
pinoy? Puto bumbong yan.
Source: businessdiary
Comments
Post a Comment