Ikaw ba isang nanay na naghahanap ng iba pang pagkakakitaan para makatulong sa iyong asawa? Kung hilig mo ang pananahi at mayroon ka namang sewing machine sa bahay- magandang business ang paggawa ng basahan. Magiging madali ito para sa iyo’t lalo pa’t ikaw ay mayroon ng kakayahan sa pananahi.
Humigit kumulang: 8,605.00 pesos ang kakailanganin para
makabili ng mga materyales upang masimulan ang iyong basahan business:
100 kg ng mga retaso na binubuo ng mga sumusunod:
50 kg ng mumog o palaman – 7 pesos kada kg =350.00 pesos
25 kg ng tatayin – 14 pesos kada kg = 350.00 pesos
25 kg ng panapal – 25 pesos kada kg = 625.00 pesos
Kabuuang gastos = 1,325.00 pesos
Estimang puhunan sa sinulid = 280 pesos
At para sa mga wala pang sewing machine, ito ay
nagkakahalaga ng humigit kumulang 7,000 piso
Sa 100 kg ng retaso ikaw ay makagagawa na ng limang libong
basahan! At madali lamang itong gawin sa loob ng dalawang linggo.
100 kg = 5,000 piraso ng basahan
Estima ng bentahan:
Sa padless = 80 pesos ( isang daang piraso )
Sa regular = 30 pesos ( isang kg) , 90 pesos ( 100 piraso )
Kung makakabenta ka ng basahan sa presyong 90 pesos kada 100
piraso, maaari kang kumita ng 4,500 sa isang buwan! O hindi ba’t talaga namang
may pera sa basahan. Kaya’t ano pang hinihintay mo baka ito na ang negosyong
magpapayaman sa iyo. Ang negosyong basahan.
Source: Businessdiary
Comments
Post a Comment