Hindi madali kung minsan ang malaman kung totoo bang mahal ka ng taong mahal mo o isa lamang pagkukunwari. Maraming paraan para malaman, pero natatakot lang tayo na hindi sumang-ayon sa atin ang ating matutuklasan kung kaya’t madalas ay ipagsawalang-bahala na lang ito at magbulag-bulagan. Minsan nasa harap na natin ang katotohanan ngunit tayo ay nagbubulag-bulagan sapagkat nakararamdam tayo ng pagkabaliw sa pagibig.
Pero ikaw, na nagbabasa nito. Alam ko ang pakay mo. Alam mo
na ang sagot sa iyong tanong kung true love ba o fake love ang pinapakita niya
sa iyo pero in denial ka at this point. Kaya’t naghahanap ka pa ng lusot sa
sariling bitag kung saan ka naroon ngayon. Sige, kahit masakit, heto ang tips
para malaman mo kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Kung mahal ka ba talaga
niya o hindi:
Hindi totoong pag-ibig kapag minamanipula niya ang buhay mo.
Tipong gusto ka niyang magbago para sa kanyang sarili pero hindi para sa iyo.
Maaaring ikinahihiya ka niya sa kanyang mga kaibigan kaya’t gusto niyang
baguhin ang iyong pananamit. True love sana ito kung nais ka niyang magbago
upang mapagbuti ang iyong buhay, hindi para sa kanyang sarili ngunit para sa
iyo.
Fake love kapag masyadong possessive o sobra ang
pagkaseloso. Ito ay senyales ng kawalan ng tiwala sa iyo pati maging sa kanyang
sarili. Punong-puno ng insecurities sa katawan na hindi mo alam kung saan ang
pinangagalingan Tipong hindi ka pwede ng makihalubilo sa iyong mga kaibigan at
nais niyang ang mundo mo ay umikot lang sa kanya. Kapag ganito ka-selfish ang
isang karelasyon, hindi ‘yan true love.
Laging dapat ikaw ang mag-sorry, hindi tumatanggap ng
pagkakamali. Kapag siya ang mali ay ipapamukha pa rin niya sa iyong siya ang
tama. Fake love ang ganito. Hindi masama sa isang karelasyon ang umamin sa
sariling pagkakamali, hindi masamang magpakumbaba.
True love kung kaya ka niyang ipaglaban kahit kanino ngunit
hindi ka naman niya kokonsintehin sa mga mali mong ginagawa. Mabuti sa isang
karelasyon na sa kabila ng maraming humahadlang sa inyo ay kaya niyang
ipaglaban ang inyong relasyon. Ngunit hindi rin tama kapag lagi niyang
sinasang-ayunan ang mali mo ng ginagawa.
At ang huli, kung hindi higit pa sa isang beses mo siyang
nahuling may ibang babae o lalake. Magtanong ka na, kung dapat mo pa bang
paniwalaan ang sarili mo na balang-araw magbabago rin ang minamahal mo? Kung
paulit-ulit ang kasalanan, hindi kaya sa bandang huli ay habambuhay ka na lang
magbubulag-bulagan.
Tandaan mahalaga sa isang relasyon na pareho ninyong
nararamdaman ang true love sapagkat kung isa lang ang nagmamahal, isa itong
relasyong walang patutunguhan sapagkat walang tunay na pagibig ang
nangingibabaw.
Source: bestlovetips.com
Comments
Post a Comment