Nakakilala ka ng isang guy at naging interesado ka na mas makilala pa siya at makasama. Pero minsan mahirap sa babae na ipaintindi o sabihin sa lalake na may gusto siya rito. Mas takot ang mga babae sa rejection na hindi siya pansinin ng guy kaya naghihintay na lang siyang lapitan siya at ang lalake ang gumawa ng first move. Kung hindi mo na matiis at gustong gusto mo ang lalake a maging boyfriend mo, bakit ka magpupuyat sa kahihintay sa kanya. Subukan mong baguhin ang iyong approach at i-try ninyo ito mga girlfriend.
Kailan mo siya tatanungin. Mas maganda ang timing na pwede
mo na siyang tanungin kung gusto mo ba siyang maging boyfriend ay iyung oras na
alam mo nang mayroon na kayong koneksyon sa isa’t isa, nakasama mo na siya sa
isang date at nakakwentuhan na ng matagal. Pwede mong gawin na makipagkita kang
muli sa kanya sa lugar kung saan una mo siyang nakita at sabihin sa guy ang
iyong intensyon na siya ay makasama pa and this time, para sa isang intimate
relationship.
Mas madali para sa iyo na makita muli ang guy kapag same
iyung lugar na pinupuntahan ninyo, tulad halimbawa ng gym, school o company
office. Kung hindi naman, pwede kang magtanong sa kanyang kakilala kung saan
siya pwedeng puntahan.
Sa pagkakataon na itinanong mo na sa kanya kung pwede mo ba
siyang maging boyfriend ay huwag ka ng magpaligoy-ligoy sa dahilan mo kung
bakit, huwag kang nonesense. Sabihin mo ng direkta at totoo kung bakit gusto mo
siya. Maging kalmado lang, huwag matakot at kabahan.
Gumawa ng isang magandang idea para sa isang date, sabihin
mo sa kanya ito pagkatapos mo siyang tanungin kung gusto ka ba niya. Ipaalam sa
kanya ang mga plano mong puntahan at maranasan kasama siya. Tulad ng: “ Maganda
siguro kung manonood tayo ng movie together para naman makapag-enjoy tayo?”
Sasagot siya ng Oo syempre kung gusto ka niya. Kaya ikaw ang mag-aya kasi hindi
siya ang unang mag-aaya sa iyo dahil nagulat siya sa katanungan mo.
Ito naman ang mga kailangan mong iwasan kapag magtatanong ka
sa guy na kung gusto mo ba siyang boyfriend:
Huwag kang kabahan, wala iyang madudulot na maganda sa
pakikipag-usap mo sa kanya. Mas ramdam ng lalake na sincere ka sa iyong mga
sinasabi kapag may eye contact ka at hindi ka kabado.
At huwag mo siyang i-pressure na sumagot kaagad ng OO. Pero
iwasan mong masabi ang “Pero kung gusto mo naman” dahil may impresyon sa lalake
na wala kang paki kung oo o hindi man ang kanyang isasagot sa iyo.
Source: superlovetips
nasa yo na yun kung.. SasaGutin mu sya ? Oh. Hndi ddb ???
ReplyDeleteKahit mag ka - BF ka.. kung di nman Seryoso .. Huwag na lang,, Wag ka ng umasa sa W A L A :) .. dahil Hindi lahat ng Taken Masya.. Mas naniniwala ako na..
khit. Single prin ako.. Mas MASAYA parin ako.. <3
Yap tma ..
ReplyDelete