Skip to main content

Love Tips: Gusto Mo Ba Siyang Maging BF?



Nakakilala ka ng isang guy at naging interesado ka na mas makilala pa siya at makasama. Pero minsan mahirap sa babae na ipaintindi o sabihin sa lalake na may gusto siya rito. Mas takot ang mga babae sa rejection na hindi siya pansinin ng guy kaya naghihintay na lang siyang lapitan siya at ang lalake ang gumawa ng first move. Kung hindi mo na matiis at gustong gusto mo ang lalake a maging boyfriend mo, bakit ka magpupuyat sa kahihintay sa kanya. Subukan mong baguhin ang iyong approach at i-try ninyo ito mga girlfriend.

Kailan mo siya tatanungin. Mas maganda ang timing na pwede mo na siyang tanungin kung gusto mo ba siyang maging boyfriend ay iyung oras na alam mo nang mayroon na kayong koneksyon sa isa’t isa, nakasama mo na siya sa isang date at nakakwentuhan na ng matagal. Pwede mong gawin na makipagkita kang muli sa kanya sa lugar kung saan una mo siyang nakita at sabihin sa guy ang iyong intensyon na siya ay makasama pa and this time, para sa isang intimate relationship.

Mas madali para sa iyo na makita muli ang guy kapag same iyung lugar na pinupuntahan ninyo, tulad halimbawa ng gym, school o company office. Kung hindi naman, pwede kang magtanong sa kanyang kakilala kung saan siya pwedeng puntahan.

Sa pagkakataon na itinanong mo na sa kanya kung pwede mo ba siyang maging boyfriend ay huwag ka ng magpaligoy-ligoy sa dahilan mo kung bakit, huwag kang nonesense. Sabihin mo ng direkta at totoo kung bakit gusto mo siya. Maging kalmado lang, huwag matakot at kabahan.

Gumawa ng isang magandang idea para sa isang date, sabihin mo sa kanya ito pagkatapos mo siyang tanungin kung gusto ka ba niya. Ipaalam sa kanya ang mga plano mong puntahan at maranasan kasama siya. Tulad ng: “ Maganda siguro kung manonood tayo ng movie together para naman makapag-enjoy tayo?” Sasagot siya ng Oo syempre kung gusto ka niya. Kaya ikaw ang mag-aya kasi hindi siya ang unang mag-aaya sa iyo dahil nagulat siya sa katanungan mo.

Ito naman ang mga kailangan mong iwasan kapag magtatanong ka sa guy na kung gusto mo ba siyang boyfriend:

Huwag kang kabahan, wala iyang madudulot na maganda sa pakikipag-usap mo sa kanya. Mas ramdam ng lalake na sincere ka sa iyong mga sinasabi kapag may eye contact ka at hindi ka kabado.

At huwag mo siyang i-pressure na sumagot kaagad ng OO. Pero iwasan mong masabi ang “Pero kung gusto mo naman” dahil may impresyon sa lalake na wala kang paki kung oo o hindi man ang kanyang isasagot sa iyo.
Source: superlovetips


Comments

  1. nasa yo na yun kung.. SasaGutin mu sya ? Oh. Hndi ddb ???
    Kahit mag ka - BF ka.. kung di nman Seryoso .. Huwag na lang,, Wag ka ng umasa sa W A L A :) .. dahil Hindi lahat ng Taken Masya.. Mas naniniwala ako na..

    khit. Single prin ako.. Mas MASAYA parin ako.. <3

    ReplyDelete
  2. Yap tma ..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...