Skip to main content

Mga Pagkain Laban Sa Allergy



Nakakasarira ng araw kapag tayo ay nagkakaroon ng allergy. Ang allergies ay nangyayari kapag mayroong overimutas na nangyari sa ating katawan matapos ang pagkalantad nito sa allergens o di kaya nama’y mga substansya na hindi kayang tiisin ng ating katawan. At alam ninyo bang mataas ang tsantsa ng panganib na magkaroon ng blood cancer ang isang taong nakararanas ng allergies?


Matapos ang pagkalantad n gating katawan sa allergen, magpapakita ng pagtanggi an gating katawan at tayo ay makararanas ng tagulabay, pamamaga ng mata o ng mukha, pananakit ng tiyan, pag-uuhog, pangangati ng lalamunan, at sakit ng ulo.

Ayon sa LiveStrong, ito ang mga pagkaing nakatutulong para humupa ang allergy:

Maigi ang Yogurt sa katawan dahil pinapalakas nito ang immunity ng ating katawan. Iyong mga kumakain ng plane na Yougurt araw araw ay mas mataas ang resistensya ng katawan kaysa sa mga taong hindi kumokonsumo nito.

Mabuti rin na sumusugpo ng allergy ang mga gulay tulad ng kamatis, talong, pipino, at beans. Bukod sa pampahupa ng allergy, ang mga gulay na ito ay maigi ring panlaban sa hika.

Sa mga prutas, maigi na kumain ng oranges, kiwi, mangga, strawberry, pineapple, papaya, kamatis, at guava dahil mayaman sa anti-oxidant ang mga ito pati na sa Vitamin C.

Maigi rin na pantanggal ng allergy ang Honey. Kumain ng isang kutsarang honey araw-araw. Pinapatibay nito ang anti-body ng katawan laban sa allergens.
Source: medicmagic


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...