Ang milk tea ay nagmula sa Hongkong at may impluwensiya din ng mga Briton na matagal ding namalagi sa bansang iyon. Ang masarap na inumin na ito na swak sa panlasa ng pinoy ay binubuo ng black tea na may halong condensed milk o evaporada. Hindi tulad ng mga tsaa galing tsina na plain lamang ang lasa, ito ay mas malinamnam dahil sa hinalong matamis na gatas. Ang milk tea ay isang uri ng bubble tea na kilala rin sa tawag na pearl tea o boba tea na nagmula sa bansang Taiwan.
Kaya’t kung mahilig ka sa tsaa. Isang kumikitang kabuhayan
ang negosyong pagbebenta ng milk tea para sa iyo. Ito naman ang ilang tips para
magsimula
Pumili ng isang milk tea recipe na angkop sa lugar na iyong
pagbebentahan. Maiging alamin mo kung ano bang milk tea recipe ang swak sa
panlasa ng mga customer mo, iyung tiyak na babalik balikan ka.Pag-aralan ito
sapagkat bawat tao ayon sa kanilang edad ay may kanya-kanyang panlasa. Ngunit
huwag mo ring kalimutan na mag-offer pa ng iba’t ibang klase ng milk tea recipe
gaya ng pagdadagdag ng soy milk o prutas na lalo pang magpapalasa rito.
Maging orihinal. Popular na negosyo na ang milk tea sa bansa
kaya’t kinakailangan ang iyong orihinal na konsepto para maging iba ka sa iyong
mga ka-kompetensiya. Pare-pareho man ang paggawa ng milk tea ngunit pwede kang
maging original sa paraan ng iyong pagse-serve.
Gawin mong bida ang iyong customer. Makinig ka sa kanilang
suhestiyon at tanggapin ang kanilang kritisismo. Mahalagang bagay ito sa mga
negosyante. Ang customer ang siyang magdadala ng tagumpay sa iyong negosyo kaya’t
importante ang kanilang komento. Makipag-kwentuhan sa kanila, alamin kung ano
sa mga milk tea recipe mo ang lubos nilang nagugustuhan at pati na rin iyong
mga hindi. Sa ganitong paraan ay mapag-aaralan mo ang iyong market.
Maging isang mabuting lider sa iyong mga empleyado. Matutong
pahalagahan ang iyong crew and staff, sila ang mukha ng iyong negosyo kung kaya’t
dapat na maging mabuti ka sa kanila at ipakita sa kanila na concern ka sa
kani-kanilang sitwasyon. Higit pa riyan, ang ilan sa mga empleyado mo ay
maaaring may kakilala ring kamag-anak o kaibigan na pwedeng maging suki ng
iyong milk tea business.
I-rehistro ang iyong negosyo. Protektahan mo ang iyong
negosyo pati na ang iyong recipe sa pamamagitan ng pagrerehistro at pagkuha ng
mga kaukulang permit para ikaw ay makapagsimula.
Mahilig mag-tsaa? Naghahanap ng negosyong swak sa panlasa?
Milk Tea Business yan Katoto.
Source: Businessdiary
Comments
Post a Comment