Skip to main content

Tips Mga Dapat Gawin Kapag Galit (MAD)



Hindi naman maiiwasan sa ating buhay ang magalit. Isa itong emosyon na natural lamang sa tao. Kapag may kaaway o may taong sumisira sa iyo ay nakararamdam ka ng galit. Ang ilan din sa atin ay nagiging bayolente o nakapananakit kapag galit lalo’t sa mga lalakeng Pinoy dahil parte ng ating kultura na kapag lalake dapat lumaban, dapat marunong manuntok. Pero hindi ito magandang suhestiyon, hanggang maaari ay huwag tayong magpadala sa galit. Heto ang ilang tips, mga dapat gawin para hindi tayo makapanakit kapag galit.


Paligiran ang sarili ng mga mapagsuportang pamilya at mga kaibigan na tutulong sa iyo para masabi mo ang iyong damdamin habang nagdurusa ka. Marami ang nagkukulong sa kwarto kapag nasa grieving period na mas mainam kung may makakausap kang close na kaanak na magpapalakas ng loob mo. Sila ang tutulong sa iyo sa oras na kailangan mo sila.

Tanggapin na galit ka sa iyong sarili at sa iba. Ito ay para makampante ang sarili.

Pag-aralan ang damdamin ng galit at iba pang emosyon na siyang pinagmulan ng iyong kabiguan at pagdurusa. Tanungin ang sarili kung bakit ka nagagalit ngayon. Alamin ang eksaktong dahilan kung bakit ka galit at ati na rin ng iyong ikinagagalit.

Maaaring galit ka dahil iniwan ka ng mister mo at sumama sa ibang babae. Tanggapin ang dahilan ng iyong galit at unawain ang rasong balido.

Pangalagaan ang sarili. Matulog nang sapat ang oras at nasa tamang oras. Tiyakin na kumakain ng tamang masustansyang pagkain. Mag-ehersisyo at iwasan ang pag-inom ng alak o paggamit ng dorga na magpapalala sa depresyon at galit.

Ilabas ang galit at emosyon sa harap ng isang tagapayo o counselor, support group o mga kaibigan. Okey lang mailabas ang galit sa ganitong estado, pero kung feel mo na walang kontrol ang galit mo. Subukang huminga ng malalim o maglakad nang malayo para mapakalma. Hayaan mong malaman ng iyong kakampi na galit ka at kung bakit ka galit. Ipahayag mo ang iyong emosyon sa bisa rin ng pagsusulat, pagpipinta o paggawa ng scrapbook o magagandang mementos.

Ihinto ang galit at sama ng loob matapos mailabas na ang iyong niloloob. Alisin na ang inis sa dibdib, ito ay para mapalago ang iyong sarili at ituloy ang matiwasay na buhay.
Source: Bulgar credits to Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah