Isa ka bang Annebisyosa? Ito ang terminong pinasikat ni Anne Curtis na isang hindi mang-aawit pero nagkaroon ng platinum na album at sold out na concert. Ikaw, nais mo bang matutong umawit? Isa itong mahabang proseso lalo’t mayroon talagang mga tao na sadyang pinanganak na may magandang tinig. Pero ang ilan sa mga ito ay makatutulong sa iyo:
Kailangan mong huminga mula sa iyong Diaphragm hindi sa
iyong baga. Kailangang matuto kang kontrolin ang hangin na iyong inilalabas kapag
ikaw ay kumakanta at ang paghinga mula sa iyong diaphragm ay makatutulong para
magkaroon ng maraming hangin kapag ikaw ay umaawit. Sa pagpapraktis subuking
gumamit ng parehong hangin kapag inaabot ang mababa at mataas na nota upang
makapagbigay ng tamang tono.
Magpraktis ng mga awiting na hindi nangangailangan ng
pagbirit. Hindi mo kailangan na pagurin ang iyong boses sa pagkanta ng mga
awiting may mataas na tono para mapabuti ang iyong boses. Simulan mo ito sa mga
kantang kaya ng iyong vocal cords. Gawin mo isang oras kada araw para masanay
ang iyong boses.
Kapag ramdam mo ng masakit ang iyong lalamunan ay itigil mo na
muna ito.
Tumanggap ka ng mga pagpuna o kritisismo. Huwag kang
panghinaan ng loob kapag may nagsasabi sa iyong hindi maganda ang iyong boses,
tanggapin mo ang kanilang kritisismo para alam mo kung saan ka dapat
mag-improve sa paraan ng iyong pagkanta.
I-record mo ang iyong boses. Makatutulong ito upang malaman
mo kung ano pa ang kailangan na ayusin mo sa iyong pagkanta. Dito matutuklasan
mo ang mga kakaibang bagay sa iyong boses na pwedeng sa kalaunan ay magamit mo
para mas gumaling kang kumanta.
Humingi ka ng payo sa mga mang-aawit o iyong mga kaibigan mo
na sumasali na sa mga singing competition. Tiyak na mayroon silang tips para sa’yo
upang mapagbuti mo ang iyong pagkanta.
Kumain ng masusustansyang pagkain at inumin. Hangga’t maaari
ay iwasan mo ang inuming may caffeine dahil nagdudulot ito ng pagbi-build up ng
mga mucous na nakapagpapatuyo sa iyong boses. Huwag ka ring uminom ng alcolhol
at manigarilyo.
At syempre maging positibo! Huwag mong isipin na wala kang
ibubuga sa pagkanta. Kung nais mo talaga itong pag-aralan, ay gagawin mo lahat
ng paraan para ikaw ay matuto. Lahat ng bagay sa mundong ito ay kaya mong
magawa ng maayos basta’t positibo ka lang na maabot mo ang iyong pinapangarap.
Source Yahoo Voices
Requested by an avid fan: Carol Diaz
Comments
Post a Comment