Dalawa sa all-time favorite na pagkain ng pinoy lalo na’t sa almusal ang Tocino at Longanisa. Masarap na i-partner ito sa mainit na kanin o sinangag. Bukod sa masarap na lasa ay masarap din itong pagkakitaan.
Halina’t
tuturuan naming kayong gumawa ng homemade Tocino para magkaroon ka ng extra
income:
Mga Sangkap ng Pork Tocino
Apat a kilong pork round o shoulder butt P640
Apat na teaspoon ng phosphate P2.00
1 tasa ng tubig
½ tasa ng asin P5.00
2 teaspoon ng curing salt P1.00
3 tasa ng asukal P18.00
¼ tasa ng dinurog na bawang P10.00
½ tasa anisado wine P5.00
½ tasa ng pineapple juice P15.00
Opsyonal naman ang food coloring na kulay pula P1.00
2 tableta ng dinurog na ascorbic acid P5.00
Ito naman ang paraan ng pagluluto:
- Hiwain ang baboy. Ang kapal ng piraso ay dapat na may sukat na ¼ pulgada. Ilagay ito sa fridge.
- Magtunaw ng phosphate sa tubig.
- Sa isang palangana, pagsamahin ang rock salt, curing salt at phosphate solution. Paghaluin itong maigi. Idagdag ang hiniwang baboy. Pagbali-baliktarin ang baboy hanggang sa mabalutan ng pinagsama-samang solusyon.
- Ilagay o idagdag pa ang anim na natitirang rekado ay haluing maigi hanggang sa maging well blended ito.
- I-cure sa loob ng fridge ng mga isa hanggang dalawang araw o sa room temperature na walo hanggang sampung oras.
- I-pack ito sa isang polyethelene bag, i-freeze hanggang sa kailangan
Para sa kalkulasyon ng ipupuhunan:
Sangkap ay aabot ng 699 p
Ang preparasyon o labor 150 piso
Ang packaging 10 piso
Kabuuang kailangan 859 piso
Ang gastos sa isang pack – 85 piso (10 pack ng ½ kilo bawat
isa)
Rekomendadong Presyo
Total ng cost kada pakete 137 p
Estima ng kikitain
Benta 1400.00 piso
Tubo 541.00 ( ayon sa total ng benta minus total ng gastos)
Ikaw mahilig ka bas a tocino? Sundin ang tips na ito para
ang paborito mong tocino ay maging instant negosyo mo.
Source: Businessdiary
Comments
Post a Comment