Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy ang silog at sisig. Kaya’t bakit hindi mo simulan ang magtayo ng isang food cart na negosyo na ang pangunahing produkto ay silog at sisig recipe. Hindi mo naman kailangan na magfranchise ng mamahaling food cart para magsimula. Bakit hindi mo simulan sa maliit. Kahit hindi masyadong kamahalan ang paggawa sa food cart mo, kung masarap naman ang iyong sisig at silog ay kaya nitong makipag-kompetensya sa mga naglalakihang food cart sa mall.
Para magsimula ng silog at sisig food cart, ang kailangan mo
lang ay ang kalidad ng iyong food cart na mayroong kumpletong kagamitan ( iyung
may warranty) at syempre produkto. Huwag mo ring kalimutan na i-rehistro ang
iyong negosyo para sa legalidad nito. Pwede mo ng simulan ang iyong negosyo
makalipas lamang ang dalawang linggo pagkaraan mong kumuha ng kaukulang permit.
Bukod sa sisg at silog, ikaw ang bahala kung nais mo pang magdagdag ng iba pang
lutong pagkain o produkto, walang restriksyon.
70% hanggang 80% ang profit margin
Mga kasama:
Isang hindi collapsible at semi high end na food cart
Rice cooker
Electric na kawali
Timbangan
Container
Kagamitan o kitchen wares
Juice container
Initial inventory
Uniporme para sa mga crew
Mga Produkto
Karne ( tapa, tocino,longanisa, embutido,hotdog, sisig, ham,
etc), sinangag at itlog, inumin tulad ng ice tea o gulaman. SRP: 45 pesos per
serving
Sourc: businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment