Skip to main content

Diet Supplements – Alin Ang Pinaka-epektibo?



Iba’t ibang nutrisyon ang kailangan ng ating katawan para maging mainam ito sa paggawa ng mga tungkulin. Kaya’t kinakailangan na kumonsumo tayo ng mga nutrisyon na makukuha naman natin sa ating mga kinakain. Binibigyan diin ng mga ekpserto na ang pinakamagandang pinanggagalingan ng nutrisyon ay ang mga natural na pagkain.

Gayunpaman, kung hindi sapat ang mga pagkain na ito at hindi kayang tupdin ang kinakailangang dosis, ay maaari mong subukan ang pagkonsumo ng mga supplement. Bukod sa tumutulong ito para mapanatiling malusog ang ating pangangatawan, ang mga sumusunod na supplement ay malaking tulong at pinaka-epektibo din sa pagda-diet.

Bitamina D
Ang mga taong may mataas na level ng Bitamina D sa katawan ay silang nagiging matagumpay sa pagdye-dyeta. Ito ay ayon sa paglalarawan ng Endocrine Society.

Rekomendadong Dosis: Kabuuang dami na kailangan sa arawa-araw ay 1000 IU Bitamina D. Ito ay pwedeng makuha sa pagkain ng isda, fortified cereals, mga purong fruit juice, at produktong gatas.Pwede rin makuha sa supplement na Bitamina D3.

Prebiotic
Ang mga eksperto sa Canada ay nagsagawa ng pag-aaral na may kinalaman sa mga taong obese na regular na kumokunsumo ng prebiotic supplements. Ang mga ito ay pumayat sa loob lamang ng 12 na linggo.

Rekomendadong Dosis: tupdin ang pangangailangan ng higit 40-20 gramo kada araw. Pwede mo itong makuha sa pagkain ng bawang, sibuyas, fortified na yogart at supplement na inirekomenda ng iyong doktor.

Calcium
Ang mga babaeng tumutupad sa pangangailangan ng Calcium araw-araw sa loob lamang ng 15 linggo ay kayang makapagbawas ng timbang apat na beses kumpara sa mga taong umasa sa placebo.

Rekomendadong Dosis: Ang pangangailang sa Calcium ay 1000-1200 mg. Pwede mo itong makuha sa mga low fat dairy product at mabeberdeng gulay o sa pagkonsumo ng carbonate calcium o citrate na may dosis na 500-600 mg dalawang beses sa isang araw.

Multivitamins
Pinag-aralan ng mga eksperto ang mga babaeng kumokunsumo ng multivitamins sa loob ng 15 linggo. Ang resulta ay nagpakita ng pagkawala ng 45 poryento sa kanilang gutom kumpara sa mga taong binigyan ng placebo.

Rekomendadong Dosis: Kumain ng iba’t bang klase ng prutas at gulay, whole wheat products, at lean protein. Okay lamang na uminom ng mga multivitamins basta’t tama ang dosis. Huwag kang sosobra sa pangangailang natin nito sa araw-araw.
Source: medicmagic




Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...