Skip to main content

Vitamin C- Tulong Sa Pagbaba Ng Blood Pressure



Para makuha ang kalakasang antas ng ating kalusugan, ano ba ang kailangan nating bitamina? Bilang isang antioxidant, ang vitamin C ang siyang pangunahin sa listahan na may kakayahang pagandahin ang kondisyon ng ating immune system.

Lahat ng prutas ay nagiging paboritong pagkunan ng bitamina C. Ang ubas ang siyang sagot upang pagkunan na mataas na bilang ng Vitamin C, naglalaman ito ng higit kumulang 88 milligrams. Ang tamang dami ng ating pangangailangan sa bitamina na ito.

Sa ulat ng My Health News Daily, ang sumobrang dami ng dosis nang Vitamin C na iyong iniinom ay hindi mapupunta sa katawan, matutunaw lamang ito at ito ay iyo lamang maiihi. Maging alerto rin sapagkat mapanganib din ang pag-ooverdose ng bitamina.

Para labanan ang mga free radical damage, malaki ang ginagampanan ng Vitamin C dito. Bababa ang panganib nang chronic diseases tulad ng kanser, sakit sa puso, katarata, ito ay ayon sa nabanggit ng American Journal of Clinical Nutrition.

Ayon din sa kanilang pag-aaral, natuklasan nila na ang vitamin C ay tumutulong mapababa ang ating blood pressure. Ito ang ilang paraan para sa eksaktong pagkukunan ng bitamina C:

Maganda ang pagkain at pagpili ng iisang prutas sa tuwing almusal tulad ng orange, kiwi, o mangga. Mas maigi ito kaysa sa nakahaing isang bowl ng prutas na maaari pang magdulot ng pananakit ng tiyan. Maganda rin ang pagkain ng mangga para maging makinis ang balat.

Para sa magaan na tanghalian, sapat na ang pagkonsumo ng hilaw na brocolli at bell pepper na may mataas na bilang ng antioxidant para makakuha ng Vitamin C.

Kung gusto mo naman ang pagkain ng mga buro, magandang pagkunan ng Vitamin C ang kimchi, isang tradisyonal na pagkain ng mga Korean kung saan ang repolyo ay binuburo. Bukod sa bitamina C na makukuha rito, maganda rin itong pagkunan ng prebiotic na may dulot na benepisyo sa kalusugan ng ating panunaw.
Source: medicmagic  


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...