Skip to main content

Tips Para Malaman Kung May Landslide



Landslide. Ngayong panahon ng tag-bagyo at malalakas na mga pag-ulan  ay maraming matataas na lugar ang hindi inaasahang gumuho lalo na ang mga matatarik at malalambot na lupa.
Why Landslide Happens? Tips to Know
Nagreresulta ang landslide o pagguho ng lupa kapag ang malalambot na bahagi ay nababasa ng malalakas na pag-ulan at dahil ang mga clay type na lupa na madaling magbitak kapag panahon ng tag-init at nasa ibabaw ng isang bundok o matarik na lugar ang siya namang madaling humigop ng maraming tubig dahilan para tuluyang lumambot at gumuho ito.

Ang pag-predict sa landslide ay posible sa ilang parte  ng lugar na una nang pinagmulan ng pagguho. Para malaman kung ang ang isang matarik na lugar ay guguho, heto ang ilang Tips na dapat alamin kung bakit nangyayari ang landslide :
  1. Alamin kung anong dahilan ang nagiging sanhi para magka-landslide. Ang geological make-up: ika nga ng lugar ay isang nakahihinalang indikasyon. Ang gravity o lakas din ng hatak ng lupa ay isa ring dahilan kapag matarik ang itaas, higit mapanganib ang landslide. May malakas na pag-ulan, pag-uga ng lupa o lindol, pagkakaingin, bagyo at pagsabog ng bulkan ay mga dahilan para magkaroon ng landslides. Dagdag pa nito na ang pagguho at pagbabago sa landscape na likha ng mga tao ay maaaring pagmulan ng landslides.
  2. Tsekin ang antas ng tubig, ang mataas na akumulasyon ng ground water ay mapanganib sa mga matatarik na lugar. 
  3. Tingnan ang mga pinsala sa mga gusali o establisimyento sa lugar. Maging alisto sa mga bitak sa dingding, window frame at sahig na posibleng banta ng pagguho ng lupa. Bilang dagdag ang mga basag o nabubutas na tubo ng linya ng tubig, pintuan na hindi na maisarado o maluwag o sobrang higpit na linya ng tubo ay isa ring warning sign na ang nasa ilalim ay may posibleng maganap na pagguho.
  4. Pansinin ang anumang kurba o natutumbang puno o wala na sa hustong posisyon ng tubo ang punongkahoy. Kung maiispatan sa lupa ang paglabas ng clay o ang mabarahan ang anumang drainage system. mga kakaibang paglabas ng tubig sa lupa. maghanda na kayo sa posibleng landslide.
  5. Makinig ang isang  mahinang pagkarambolang tunog ang magpapahiwatig na may darating na landslide.
Source: Bulgar Tabloid

Like mo Ba Katoto ang Tips Para Malaman Kung May Landslide? Share na
Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...