Here are the things you need to know about attending a funeral vigil. Mahalagang malaman mo ang mga dapat mong ikilos kapag ikaw ay nakikipaglamay sa burol ng iyong kapamilya,kaibigan o kakilala. Anu-ano nga ba ang tamang etiketa para makiramay sa namatayan?
The Right Etiquette When Attending A Funeral Vigil |
Know what to wear. Ang kulay itim ay isang classic na attire. Siguraduhing nakapampormal o kaya ay well-groomed kapag dadalo sa burol. Iwasan ang pagsusuot ng pula bilang parte ng custom nating mga Pinoy.
Turn off your cellphone. Siguraduhing nakapatay ang inyong cellphone o naka-silent mode ito para hindi ka maka-eskandalo sa lakas ng ringtone ng cellphone mo.
Sign up in the guestbook. Pagdating sa burol ay huwag mong kalilimutan ang maglista sa guestbook kung mayroon man.
Send something to the relatives of the deceased. Bilang pagpapakita ng pakikiramay, maaari kang gumawa ng card o magbigay ng bulaklak sa pamilyang naiwan ng namayapa. Ito ay bilang pagpupugay sa kabutihang ipinakita nito noong nabubuhay pa siya.
Show respect. Magbigay ka ng respeto sa namatay at sa mga kamag-anak na naiwan. Hangga't maaari, huwag kang magsisimula ng gulo o anumang pwedeng makasira sa katahimikan sa loob ng burol. Kung may nakaaalitan, palipasin muna o kaya ay yayain sa labas at dun na mag-usap.
Comfort them and show sympathy. Iparamdam sa kaanak ang iyong pakikiramay. Matapos mong magbigay-respeto sa taong sumakabilang-buhay, batiin mo ang pamilya nito sa pamamagitan ng pakikipagkamay o pagyakap depende kung gaano ka ka-close sa kanila. Magbigay din ng condolences at simpatiya sa kanila.
Be sensitive. Maging sensitibo ka sa mga salitang iyong gagamitin.
Share positive things you know about the deceased. Maaari kang magbahagi ng mga positibong bagay tungkol sa namatay. Tandaan, huwag na huwag kang magsasalita ng kahit anong masama sa namatay dahil ito ay nakasasakit para sa pamilya at hindi talaga nararapat.
Show your sincere emotion. Umiyak ka kung gusto mo. Ang pagbabahagi ng dalamhati sa iba ay makatutulong sa grieving process.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment