Skip to main content

Tips Para Malaman Ang Peke Sa Tunay Na Attorney



Paano mo malalaman na ang kausap mo ay tunay o peke na attorney?
Tips to Know a Real Attorney
Ang practice of law na nangangahulugang anumang gawain sa labas at loob ng korte na nangangailangan ng aplikasyon ng batas, legal procedure, kaalaman, pagsasanay at karanasang legal ay maaari lamang gawin ng isang abogado ayon sa Rules of Court na nagsaad nito: "Any person heretofore duly  admitted as a member of the bar, or thereafter admitted as such in accordance with the provisions of this rule, and who is in good and regular standing, is entitled to practice law" (Cayetano v. Monsod, 201 SCRA 210, Section 1, Rule 138 of the Rules of Court.)

Upang maging abogado, kailangang pumasa muna ang isang tao sa Bar Examination, makapanumpa at makapirma sa Roll of Attorney. Magiging kuwalipikado lamang ang aplikante para sa Bar Examination kung siya ay isang Filipino, dalawampu't isang taong gulang o higit pa, may magandang katangian o good moral character, residente ng Pilipinas at makapagbibigay ng ebidensya na siya ay may angking good moral character at walang criminal case o charge kaugnay ng moral turpitude ang naisampa o pending laban sa kanya (Artikulo 138, Rules of Court)

Kapag nakapasa ang aplikante ng Bar Examination, siya ay manunumpa bilang abogado at pipirma sa Roll of Attorneys sa Supreme Court. Magkakaroon lamang siya ng karapatan upang magpractice pagkatapos ng nasabing pagpirma. Malalaman kung tunay na abogado ang isang tao kapag ang pangalan niya ay nakalagay sa Roll of Attorneys na nasa Supreme Court. Maaari kayong pumunta kung may pagdududa kayo tungkol sa katauhan ng isang taong nagpapakilala bilang abogado.

Kung pagkatapos ng iyong pananaliksik, nalaman ninyo na ang taong iyong kinakausap ay nagkukunwari lamang na isang abogado, maaari ninyo siyang ihabla ng krimeng estafa na pinarurusahan sa ilalim ng Artikulo 315 ng Revised Penal Code. Ayon sa probisyong ito, estafa ang krimeng nagawa ng taong gumamit o nagkunwari siya na may kapangyarihan, impluwensiya, kuwalipikasyon, ari-arian, utang, ahensiya, negosyo o hindi totoong transaksiyon upang makapanloko o makapanlinlang sa kapwa.

Article Source: Bulgar
Column ni: Atty. Persida V. Rueda-Acosta/Magtanong Kay Attorney


Share and Like Na Katoto: Tips Para Malaman Ang Peke Sa Tunay Na Attorney

Bookmark and Share



Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...