Ano ang mas gusto ninyong tema ng entertainment sa kasalan? Paano ba ang tamang pagpili ng live band sa iyong wedding? Heto ang mga tips na dapat isipin kung magpaplano nito.
Tips Sa Pagpili Ng Live Band Sa Iyong Wedding |
- Konsiderahin ang benepisyo ng pagkakaroon ng live band sa inyong simpleng wedding reception. Ang isang first-rate band ang karaniwang nagbibigay ng excitement at mas masaya kaysa sa DJ dahil ang musika ay may live performance. Pipili ang iba ng live band dahil sa klasiko ito at personal kaysa sa DJ na may pareho ring bersyon na gustong mapakinggan ng mga bisita.
- Maghanap ng live band na puwedeng mag-perform sa iyong kasalan at malaman mo na agad ang mga estilo ng musika na siyang tutugtugin sa inyong kasalan. Karaniwan sa isang band ay mahusay sa isa dalawang genres tulad ng rock o jazz kaya mahalaga na pumili ng band na may estilo na tiyak namang mae-enjoy ng lahat ng guest sa buong reception. Ang mas mahalaga, tiyakin na ang banda ay handa at alam kantahin ang inyong unang sayaw at iba pang espesipikong awitin na gusto mong marinig sa inyong reception.
- Determinahin kung ang halaga ng pagkontrata ng live band o entertainment sa reception ay sapat sa inyong wedding budget. Kung minsan ang live band ay magastos at laging mas mahal kaysa DJ. Pag-isipan kung tama bang gumastos o magtipid.
- Imbestigahan muna ang wedding DJ bago pumili ng alternatibo o kapalit ay isang live band. Marami ang gusto ng DJ dahil maririnig nila ang origihinal na kanta na patutugtugin kaysa sa live band. Ang DJ kasi ay may libu-libong awitin na mapagpipilian hindi tulad ng ibang live na 100 lang ang kanta at kaunti pa.
- Makipag-usap sa band o DJ bago makipagkontrata. Ang lider ng banda o DJ ang puwede ng maging emcee ng reception, kaya pumili ng puwedeng magsalita sa wedding. Ang pakikipag-usap ang magbibigay sa iyo ng oportunidad kung patok ba sa inyo ang kanilang gimik at angkop sa panlasa ninyo at kailangan para ma-e-entertain sa inyong kasal.
- Pag-usapan ang bayaran at pag-iskedyul ng live band o DJ para makontrata. Maraming DJs at bands ay gusto ng full payment bago kontratahin o kaya ay deposito, ilang buwan ng advance bago ang kasalan para mareserbahan ang petsa. Kung hihilingin na magbayad ng deposito, kailangang bayaran ang kabuuang halaga para magkasundo na agad.
- Simulang humanap ng mas maagang wedding entertainer. Ang pinaka-magaling na DJsa wedding ay dapat kontratahin ng ilang buwan nang mas maaga lalo na kapag holiday at weekends.
- Tandaan na ang live band ay karaniwang may breaks sa karaniwang reception ng kasalan. source: Bulgar
Comments
Post a Comment