May matinding neighbor’s quarrel ba kayo? Tipong nakararanas ka na ng pananakot o tipong nagkakalat na na ng tsismis ang iyong kapitbahay na hindi maganda tungkol sa iyo? Ito ang ilan sa tips kung anong dapat gawin kapag nanakot na ang iyong kapitbahay.
Know the exact problem. Determinahin mo kung ano at saan ba
nangagaling ang problema. Kung may naririnig ka sa tsika ng ibang kapitbahay na
nagsasalita siya nang hindi maganda tungkol sa iyo, hindi naman ibig sabihin na
totoo na. At baka naman iba rin ang iyong mga narinig. Bago ka magwala sa
sitwasyon, tiyakin na alam mo talaga ang tunay na problema.
Be civilized. Manatili kang sibil at kampante. Mahihirapan
ang kapitbahay na makipagtalo sa isang taong palakaibigan at mabait.
Panatilihin mo pa rin sa iyong ugali na maging “palabati” at laging nakangiti
sa kanya sa tuwing makikita mo ang iyong kapitbahay. Kahit na wala kang
nakikitang good side niya, basta patuloy kang maging mabait sa kanya, tiyak na
kakampihan ka pa ng iba mo pang kapitbahay at hindi ikaw ang lalabas na may
problema.
Note down important events when you got bullied by your
neighbor. Isulat sa isang notebook ang mga petsa, oras at detalye ng kanyang
panghaharass o o pananakot. Kung magtatapos kayo sa paghaharap sa korte ay may
mga dokumento kang maipapakita. Sa pamamagitan nito ay mailalatag mo ang mga
pagkakataon na nangyari sa pagitan ninyo noon.
Use a voice recorder. Gumamit nito kapag nag-uumpisa nang
magsalita nang hindi maganda at sigawan
ka nang harap-harapan ng kapitbahay. Puwede ring mag-iwan ng voice recorder sa
ilalim ng mesa habang sinisiraan ka niya sa ibang kapitbahay. Sa ganitong
paraan at least, ang ma-irecord ang lahat nang pangyayari ang magbibigay sa iyo
ng patunay na kakailanganin kung sakaling ma-ireport ang insidente sa mga
awtoridad.
Call the authority. Tawagan ang mga awtoridad kung dama mo
na parang namemeligro ang iyong pamilya. Kaligtasan mo at ng iyong pamilya sa
sitwasyon ang gusto mong mangyari kaya pulisya na ang iyong timbrehan. Hindi ka
na mag-aaksaya nang oras para ‘di mabatid ng pulisya ang lahat. Subalit kung
maliliit lang naman ang problema at hindi makasasakit ang sitwasyon ay huwag
nang itimbre sa awtoridad, mag-usap na lamang ng maayos.
O ikaw? May neighbor’s quarrel ba kayo? Baka nararanasan mo
na ang pananakot sa iyong kapitbahay at tiyak kong makatutulong sa iyo ang tips
na ito.
Basahin din: Tips Para Di Manakawan Kapag Turista Ka Sa Abroad
Basahin din: Tips Para Di Manakawan Kapag Turista Ka Sa Abroad
Source: Bulgar credits to Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment