It is the hardest process to cope up with sadness and grievance when you lose someone that you love. Mahirap ang pighati at ma-i-handle ang kalungkutang nadarama kapag ikaw ay namatayan ng kaanak. Pero mayroon namang lunas dito at siguradong may tutulong upang kayanin mo ito. Ito ang ilang paraan para kayanin mo ang pagdadalamhati at tiyak na ito ay makatutulong sa grieving process:
How To Cope Up With The Grieving Process |
Reach out to your friends and family. Hindi man nila maintindihan ang iyong pinagdaraanan, maaari ka pa rin nilang suportahan sa anumang iyong nararamdaman. Maaari ka ring humingi ng dagdag-suporta sa mga taong dumaraan din sa pagdadalamhati.
Take care of yourself. Maaaring ito ang pinakahuling bagay na iyong inaalala ngunit ito ay nakatutulong upang kayanin mo ang lahat.
Accept the reality. Intindihin mo na ang pagdadalamhati ay parte ng buhay ng tao. Lahat ng tao ay namamatay at ito ay parte na ng ating buhay. Ang pagdadalamhati ay hindi lang para sa pamilya o sa alaga, puwede ring maging sanhi nito ay ang hiwalayan ninyo ng inyong kasintahan.
Learn a new hobby. Maghanap ng bagay na puwede mong gawin upang makuha ang iyong attensyon. Maaari ka ring sumama sa iyong mga kaibigan kapag sila ay magmo-mall o magna-night club.
Cry. Ang pinakamahusay na paraan upang maibsan ang pighati na nadarama ay ang pag-iyak. Sa pag-iyak ay nailalabas mo ang iyong stress at kalungkutan.
If you have suicidal attempts,seek help from someone. Kung pakiramdam mo ay gusto mong magpakamatay ay humingi kaagad ng tulong sa iba. Maging matatag ka.
Listen to inspirational music. Makinig ng mga awiting nakaka-relaks o nakakapagbigay inspirasyon.
Show your emotion. Umiyak sa iyong pamilya. May ilan na nahihiyang magpakita ng emosyon sa kanyang pamilya. Pero ang paraang ito ay nakatutulong sapagkat ang iyong pamilya ang tanging nag-aalala sa iyo. Ang pag-iyak sa isang estranghero ay hindi masama ngunit hindi mo makukuha ang pakikipagsimpatyang kayang ibigay sa iyo ng iyong pamilya.
Your pet can help you. Umiyak sa harap ng iyong alagang aso o pusa. Base sa pag-aaral, nakatutulong din ang pag-iyak sa iyong alaga at pagkausap sa kanila. Kung wala ka namang alaga, puwede mo ring subukan ang iyong mga paboritong stuff toy.
Make a grief group. Kahit ito ay nasa iyong paaralan o sa inyong tahanan, mag-imbita ka ng mga kaibigan para pag-usapan ang iyong nararamdaman at paano mo kinakaya ang iyong pighati. Sila ay maaari mong hingan ng tulong.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment