There are some point in our lives that we feel we are not important or we are not successful, ito iyung mga dahilan kung bakit na-de-depressed ang isang tao at naiisip magpakamatay. Ang mga sumusunod na tips ay magbibigay sa iyo ng dahilan kung bakit kailangang magpatuloy ang buhay at huwag maisip na mag-suicide.
Tips On How To Stop Yourself From Committing Suicide |
Don't think suicide is the way to escape from your problems. Ang pagpapakamatay ang pinakapangit na paraan upang masolusyunan ang mga paghihirap. Maaaring ito ang nakikita mong paraan para makatakas ngunit ito ay nagpapakita ng kaduwagan sa pagharap sa mga pagsubok. Tandaan marami pang ibang paraan para makaya ang isang suliranin. Puwede ka pa ring maging masaya sa kabila ng lungkot.
Don't be shy to seek help from others. Laging pakatandaan na maraming tao riyan na nakikipag-deal sa mga gustong magpakamatay. Naririyan sila dahil gusto nilang makatulong at hindi para magmukha kang miserable. Maaaring para sa iyo ay wala nang tao sa mundo na makaiintindi sa iyong nadarama, subalit ito ay dahil hindi mo sila hinahayaang tulungan ka.
Don't tell someone that he or she is the reason why you want to commit suicide. Ito ang puwedeng maging paraan mo para muli mong makuha ang taong nang-iwan sa iyo, ngunit hindi ito tama. Ang pagpaparamdam ng guilt sa isang tao ay hindi magagawang maayos ang lahat. Maaaring maayos ang lahat. Maaaring bumalik sila sa iyo pero isipin mo kung sasaya ka ba? Mahal ka ba niya talaga? Kung tunay na pag-ibig ang dahilan, puwede pa. Subalit kung hindi na, mag move on ka na lang. Kalimutan mo na ang iyong ex bf o gf.
Put yourself on others shoe. Subukang isipin ang iyong problema sa paningin ng iba. Kung maiintindihan mo ang kanilang nararamdaman, malalaman mo na ang iyong iniisip ay hindi karapat-dapat isipin.
Accept the reality. Ang pagtanggap ay isa sa mga bagay na hindi madaling gawin ngunit ito lamang ang tanging paraan upang ikaw ay maging masaya. Maniwala ka na ang lahat ay nangyayari dahil may rason. Huwag kang mag-gi-give up dahil sa bandang huli ikaw lang ang pwedeng makapagpabago ng iyong nararamdam.
Think of your loved ones. Isipin mo sila na maaapektuhan kapag ikaw ay nag-suicide. Hindi mo man ito maisip, maraming tao riyan na nag-aalala sa iyo. Kahit na ang iyong pamilya, kaibigan o bagong kakilala ay tiyak na lagi kang inaalala. Isipin mo kung paano maapektuhan ng iyong pagkawala ang kanilang buhay.
Find ways to distract yourself from negativity. Makinig sa mga kanta, sumulat ng istorya, manood ng TV, maglaro ng video games, lumabas kasama ng mga kaibigan atbp. Gawin mo ang mga ito upang hindi mo maisip ang magpakamatay.
Be patient. Time heals all wounds. Ito ay magiging mahirap subalit kailangan mong intindihin na ang pagpapakamatay ay hindi magagawang pabilisin ang oras. Kailangan mo lang maging malakas at huwag sumuko. Paglipas ng panahon, tiyak na ang mga bagay ay magiging maayos.
You are the only person who can decide for yourself and for your future. Masarap mabuhay. Mahalin mo ang iyong sarili at pahalagan ang buhay na ibinigay sa iyo at i-enjoy ito kasama ng iyong pamilya at kaibigan.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment