According to National Statistics Office, the rate of people who are committing suicide is tremendously increasing. Nakababahala ito sapagkat hindi lang naapektuhan ng pagpapakamatay ang taong gumawa nito kundi pati ang mga kaanak ng nagpatiwakal. Pero maraming kaso ng pagpapakamatay ang maaaring maiwasan. Here are some tips kung paano mapigilan ang isang tao sa kanyang suicidal attempts:
Tips On How To Stop Someone From His Suicidal Attempts |
Search for the Warning Signs
Mayroong iba't ibang sitwasyon na makapag-uudyok sa isang indibidwal na mag-suicide. Kadalasan ang isang taong nais magpakamatay ay dumaranas ng matinding problema sa buhay.
Help Them
Hindi madali ang tulungan ang mga taong gustong magpakamatay dahil may masabi ka lang na hindi nila nagustuhan, posibleng lumalala ang sitwasyon. Tandaan na laging gumawa ng contact sa taong ito at ipaintindi na sila ay nauunawaan mo. Humingi ka rin ng tulong sa nakakaalam.
Be Straight-forward
Ang pakiramdam na walang nakaiintindi sa mga taong gustong mag-suicide ang pinakamahirap sa kanila. Ang mga taong ito ay madalas na napu-frustrate na makipag-usap sa kanilang kaibigan at kaanak dahil wala silang makuhang tamang sagot na makapagpapagaan ng kanilang pakiramdam. Kaya mahirap mang paniwalaan, kailangan mo silang prangkahin at gamitian ng reverse psychology. Ang teknik na ito ay sadyang epektibo dahil sa mararamdaman nilang may nakikinig sa kanila.
Know what he may used in his suicidal attempts
Kapag nasa sitwasyon na siya ng pagpapakamatay, libangin mo muna siya. Tanungin mo kung ano ang gagamitin niya sa pagpapakamatay at gamit ang mahinahong tinig, utusan siya na ilagay ito sa kabilang kwarto o kaya naman ay ilayo ang mga ito sa kanya.
Talk to him calmly
Intindihin ang kanyang problema. Ilagay mo ang iyong sarili sa kanyang sitwasyon. Hangga't kaya, bigyan ng solusyon ang kanyang problema. Ipaintindi na hindi sagot ang pagpapakamatay sa lahat ng paghihirap.
Seek help from the others
Habang kinakausap mo ang magpapakamatay, hingin ang tulong ng iba at pakiusapan itong pumunta kung saanman naroroon ang biktima. Hindi kasi madalas nangyayari ang pagpapakamatay kapag may alam itong dumaramay sa kanya physically. Sabihin na naroroon ka para sa kanya at lahat ay magiging okay.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment