Skip to main content

Mabuting Dulot Ng Black Coffee Sa Mga Lalake



Parte na ng almusal ang pag-inom ng kape sa umaga ng bawat tao sa mundo. At para sa mga kalalakihan ang balitang ito, alam ninyo bang ayon sa pag-aaral na ang pag-inom ng black coffee ay maigi sa iyong kalusugan ng iyong semilya? Alamin ang tungkol rito.


Para sa mga adik sa kape, nakakagana kumilos at gumawa ng aktibidad kapag sila ay naka-inom ng kape. Sumisigla sila t nagiging aktibo. Hindi lang iyan, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng University of Sao Paulo Brazil, na ang pag-inom ng black coffee ay may benepisyong hatid sa male fertility.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nailathala sa Journal of the American sa Society for Reproductive Medicine conference sa San Antonio, na sinasabing ang semilya ng lalake ay nagiging masigla at nagdudulot ng pagtaas ng male fertility.

Mayroong isang grupo ng mga tagapagsaliksik sa University of Sao Paulo ang nagsabi pa na mas masigla ang semilya ng mga lalakeng umiinom ng black coffee sa umaga kaysa sa mga hindi.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa 750 lalake na magpapa-vasectomy ( isang uri ng surgical contraception sa mga kalalakihan). Ang mga ito ay hinati sa apat na grupo base sa pagkonsumo nila ng kape.

Ang apat na grupo ay hinati sa mga lalakeng hindi umiinom ng kape, mga lalakeng umiinom ng 1 hanggang 3 tasa ng kape sa isang araw, mga lalakeng coffee drinker na kayang umubos ng 4 na tasa ng kape sa isang araw at mga heavy coffee drinker na kayang umubos ng 6 na tasa ng kape sa isang araw, na mayroong sukat na dami na 100 ml.

Ang resulta, iyong mga regular na umiinom ng kape (1-3 tasa sa isang araw) ay may mas maiging kalidad ng semilya kaysa sa mga hindi umiinom ng kape.

Ayon sa mga researcher, ang caffeine na mayroon sa black coffee ay nakapagpapabilis sa pagkilos ng semilya at ito ay nakatutulong upang mapabuti ang proseso ng IVF ( In Vitro Fertilization), isang uri ng fertilization sa labas ng sinapupunan.

Ngunit pakatandaan din na ang labis na pag-inom ng kape ay maaari ding magdulot ng sakit gaya ng stroke dahil nakakasira ito ng blood vessel walls. Sa mga nagbubuntis naman, nakapagpapataas ito ng heart rate, inaatake ang placenta, pinapasok ang blood circulation at maaaring magresulta sa pagkamatay.
Source: medicmagic



Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...