Skip to main content

Mga Nutrisyon Na Mabuti Sa Katawan (Healthy Body)



Gusto ninyo bang malaman kung anu-anong mga nutrisyon ang kailangan ng katawan para maging masigla at malusog. Ang mga nutrisyong ito ay nakatutulong din sa atin na makaiwas sa mga malulubhang karamdaman tulad ng sakit sa puso, cancer, osteoporosis atbp. Ito ang ilan sa mga nutrisyon na mabuti para healthy ang body:

Regular consumption of Omega-3 fatty acid is good for long life. Magagawang pahabain ang sariling buhay at magmukhang mas bata at masaya mula sa regular na pagkonsumo ng Omega 3 fatty acids.
Ayon sa pananaliksik, nagdudulot ng depresyon, agresibong pakiramdam at mood swing kapag kulang tayo sa Omega-3. Ang essential fatty acid naman na mula rito ay maaaring magtaboy ng mga karamdamang gaya ng sakit sa puso. Nakatutulong din ito para maging malinaw ang ating mata. Higit pa riyan, nakatutulong din ito sa pagbabawas ng ating timbang at pagpapanatili sa balat at buhok sa maayos na kondisyon. Ilan sa halimbawa ay ang oily fish tulad ng salmon, mackerel at sardines, flaxseeds at walnuts.

Vitamin D is needed to absorb calcium. Ang naturang bitamina ay nakatutulong sa katawan upang ma-absorb ang calcium na nagpapabuti sa maayos na kondisyon ng buto. Ang mga taong nagku-kulang sa Vitamin D at may malaking banta ng paglapit sa ilang uri ng cancer, osteoporosis, mental illness at sakit sa puso.
Mainam ang paglalaang ng oras sa unang sikat ng araw sa umaga. Ang oily fish at eggyolk ay mahusay na halimbawa.

Iron is needed for energy. Ang kakulangan sa iron ay may malaking epekto sa bilyong tao sa buong mundo kung saan mahalaga ito para mapalayo sa banta ng mababang enerhiya, pananakit ng ulo maging ng pagrupok ng mga kuko at maputlang kulay.
Ang red meat, manok, itlog at ang mabeberde at madadahong gulay at tinuyong prutas ay mahusay na halimbawa.

Vitamin B12 is healthy for red blood cells. Ang bitaminang ito ay kinakailangan para sa malusog na red blood cells at makatutulong upang mapanatiling malusog ang nervous system. Ang kakulangan sa Vitamin B12 ay maaaring magbunsod sa anemia, pagpalya ng memorya, mood swings, depresyon at maging Alzheimer’s disease. Ang bitamina na ito ay makukuha sa karne, itlog, at dairy produce.

Iodine is good for brain development. Ang kakulangan sa iodine ay nakaaapekto sa brain development ng mga hindi pa isinisilang na sanggol at mga bata. Nakapagpapataas din ito sa banta ng pagkalaglag ng sanggol. Mainam ang iodized salt, maging ng gatas, itlog, isda, seafood at seeweed.
Source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms Myra


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...