Skip to main content

Mga Sayaw Na Pampapayat (Dancing)



Maraming paraan para ikaw ay pumayat. Pangunahin na riyan ang pagtungo sa gym para maging fit and healthy. Samahan mo pa ng pagdi-diyeta ay tiyak na makatutulong sa iyo ito para mabawasan ang iyong taba. Ngunit hindi lang ang pag-g-gym ang pwede mong subukan. Try mo rin ang pagsasayaw. Ito ang ilang uri ng sayaw na nakakapayat. Kaya dance dance na mga katoto:


Ang sayaw na freestyle dancing. Napakadali ng sayaw na ito kasi hindi ito strikto sa steps. Maigagalaw mo ang iyong katawan ng malaya sa saliw ng mga nakaka-indak na tugtugin. Ang iyong paggalaw kasabay ng mabilis na tunog ay nakatutulong sa pagpapabuti ng iyong resistensya.

Ang sayaw na belly dancing. Ang sayaw na ito kung saan ikinikilos mo ang iyong tiyan pati na ang iyong ibabang parte ng iyong katawan ay malaking tulong para makapagsunog ng taba sa iyong katawan lalo na’t sa bandang bilbil at puwitan. Hindi lang ang mga parteng ito ang pwedeng gumanda sa iyo, pati na rin ang iyong hita at tiyan. Kaya’t kung nais mong magkaroon ng hubog ang ibabang parte ng iyong katawan, subukan mo ang sayaw na ito. Maraming mgaa free video na naka-upload sa Youtube para matutunan mo ang belly dancing.

Ang sayaw na ballet. Sa pagpapaganda ng hubog ng iyong katawan, magandang matutunan mo ang ballet dancing. Sa sayaw na ito, maraming stretching ang kinakailangan. Ang mabagal na movement ng ballet ay maikukumpara sa pagyoyoga. Ang sayaw na ito ay makatutulong na sunugin ang taba sa iyong tiyan dahil na rin nagiging flexible ang iyong katawan kapag sinasayaw ito at nangangailangan din ng konsentrasyon. Ito ang rason kung kaya’t slim ang mga balerina.

At ang huli ay ang sayaw na pole dancing. Katumbas ng 30 minutos na pagpo-pole dancing sa isang araw ang 20 minutos na pag-g-gym. Ang pagsasayaw sa pole ay nakakapag-form ng muscle, at nakapapayat. Ito ang sayaw kung saan madali kang papayat. Gawin mo ito araw-araw para sa magandang resulta. Para ma-boost ang iyong enerhiya ay sabayan mo ito ng high beat music. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig matapos mong pagpawisan ng husto.

Tayo ng sumayaw at magpapayat. Tara.
Source: medicmagic


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...