Skip to main content

Signs Na Ayaw Na Sa'yo Nang Syota Mo (Break-up)



Ramdam mo na ba na parang nanlalamig na sa’yo ang syota mo? Ramdam mo na bang hindi na siya tulad nang una ka niyang nakilala? Baka hindi ka na niya mahal? Baka nais na niyang makipaghiwalay sa’yo? Paano ba malaman na ayaw na sa’yo ng syota mo at gusto na niyang makipaghiwalay? Heto ang ilang senyales:

Wala na siyang oras sa iyo. As in wala na talaga siyang oras sa’yo. Tipong mas mahal niya pa ang Dota at uunahin niya ito kaysa ang makipag-date sa’yo. Lagi siyang busy o tipong sasabihin niyang busy siya habang nakikita mo lang sa harapan mo na nanood lang siya ng mga Fliptop videos sa youtube. Naku ka, hindi mo pa ba tatanungin ang sarili mo: Mahal ka pa ba niya?

Hindi na siya interesado makinig sa mga kwento mo. Kahit iyong mga date ninyo na magkasama kayo ay mas inuuna niya pang mag GM sa mga ka-clan niya kaysa makinig sa mga nagaganap sa buhay mo. Wala na siyang interes na kausapin ka. Hindi na siya gumagawa ng paraan para makita ka niya. Hindi na siya nagsasabi na “sige, punta ka dito sa bahay” kasi ayaw na nga niya. Ano ka ba naman?

Hindi na rin interesado sa’yo ang mga kaibigan o barkada niya. Tipong kapag kasama mo ang mga ito ay lagi ka na lang tinatanong na “ Kelan kayo nag-break” o “Break na ba kayo?” – for sure kaya ganyan ang barkada niya kasi nasabihan na niya ang mga ito na gusto na niyang makipagbreak sa’yo.

Lagi na lang siyang may alibi sa mga date ninyo na lagi na lang cancelled dahil sa kanya. Lagi siyang may dahilan na masama ang pakiramdam niya, may tatapusin siyang project sa school, may pupuntahan siyang okasyon at iba pang dahilan na obvious naman sa iyo na gawa-gawa niya lang pero pinipilit mo na lang maniwala kasi nga mahal mo siya pero ikaw hindi na niya mahal. Malinaw na gusto na niya ng break-up.

Sa tuwing mag-uusap kayo ng plano tungkol sa inyong future ay hindi mo na naririnig sa kanyang mga pangungusap ang salitang “TAYO” kundi palaging  “Ako” – indikasyon ito na hindi na niya nakikita ang kanyang sarili na kasama ka sa mahabang panahon. Goodbye na sa’yo…coming soon na yan.

At ang huli gumagawa na lang siya ng dahilan para magselos ka para iwan mo na siya o di kaya nama’y sunod sunod ang pagdududa niya na hindi naman niya ginagawa sa iyo dati. Kung minsan pa’y lagi ka na lang niyang sinisisi kahit na siya ang may pagkakamali. Gumagawa na lang siya ng dahilan para magalit ka sa kanya at tuluyan mo siyang iwan para lumabas na ikaw ang dahilan ng break-up hindi siya.

Ramdam mo na po? Nagbubulag-bulagan ka lang. Kundi ka na mahal ng tao, kahit mahal mo pa at mahirap gawin let go muna. Ang pagmamahal ay two way traffic, hindi pwedeng ikaw lang ang nagmamahal sa relasyon dahil kung ikaw lang, para ka lang engot.
Source: superlovetips


Comments

  1. na ka relate ako,dahil bf ko 10x ko nang hiniwalayan,pero ayaw parn nia tanggapin,inis na ako ei dahl 2 WEEKS d magparamdam

    ReplyDelete
  2. Relate... ung tipong kahit may load sya d k nia tnetxt at kht ol sya s fb .. wla syang pake sa msgs. mo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...