Skip to main content

Sino Ang Mas Maagang Magka-uban (Gray Hair)



Nag-iiba ang kulay ng ating buhok kapag tayo ay tumatanda na ito ay kung tawagin ay uban (Gray Hair). Iyong dati mong long black hair ay nagiging maputi na. At alam ninyo bang sa mga lalake at babae, mas mabilis na magka-uban ang mga babae? Bakit kaya nangyayari ito?


Pinatunayan ng mga British scientist na dahil sa genes at pamumuhay ng mga babae ay ito ang nagdudulot sa mga ito para mas mabilis silang magka-uban. Ang pagtuklas na ito ay iba pa sa una ng mga teorya na nagsasabing ang dahilan ng pag-uuban ay ang kalagayan ng ating kalusugan tulad ng halimbawa ay kung tayo ay may sakit, stress o nagdye-dyeta.

Ginamit ng mga tagapagsaliksik sa pag-aaral na ito ang higit sa 200 kambal na identical at hindi identical mga edad 59 hanggang 81 sa England. Iyong mga identical twin na may parehong genes ay may parehong kondisyon ng pag-uuban at iyong mga non-identical twin ay may magkaibang kondisyon ng pagpuputi ng buhok.

Isang pagtuklas ang ginawa ng isang hair company na mas mabilis na nagkaka-uban ang mga babae dahil sa nature ng kanilang genes.

Sabi ng mga eksperto walang pwedeng magbago sa genetics ng isang tao at ito ay may kinalaman o impluwensya sa kalagayan ng ating buhok. Magkagayon man ay may mga uri ng pag-aalaga sa buhok na nakatutulong para mabawasan o ma-remedyuhan ang mabilis na pag-uuban
Source: medicmagicdotnet


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...