Skip to main content

Tips Para Labanan Ang Depresyon (Depression)



Bumagsak ka ba sa pagsusulit? Naghiwalay na ba kayo ng iyong kasintahan? O namatayan ka ba ng minamahal sa buhay? Ang ilan sa mga ito ay dahilan upang ang isang tao ay makaranas ng Depression. May ilang kondisyon kung saan nagiging mapanganib ang depresyon. Kaya’t bago pa ito mangyari sa’yo, heto ang ilang tips para malabanan mo ito:


Hayaan mo na ang iyong katawan ay maarawan. Maaaring maglabas ang ating katawan ng melatonin hormone kapag hindi ka expose sa sinag ng araw. Ang hormone na ito ay nagdudulot ng pakiramdam ng kalungkutan at depresyon.
Lumalabas ang melatonin hormone kapag ang isang tao ay nasa madilim na lugar o kwarto. Nakapagpapababa ito ng body temperature at maaari kang makaranas ng panghihina.

Kung ang isang taong depress ay palaging nagkukulong sa madilim na kwarto, mahihirapan siyang labanan ang ganitong pakiramdam.

Magpaka-busy ka. Nagdudulot ito sa tao ng inspirasyon. At dahil sa pagiging busy mo, pwede mong makayanan ang depresyon na iyong nararanasan. Pwede kang gumawa ng mga aktibidad tulad ng paglalakad sa parke, pag-eehersisyo, pagbabasa ng aklat, o mga aktibidad na magdudulot sa iyo ng kasiyahan o ng excitement. Magkaroon ka ng makabuluhang goal sa iyong buhay at maging positibo ka sa pagabot ng mga ito. Ito ay maghahatid sa iyo ng kasiyahan at tiyak na malalabanan mo ang kalungkutan at depresyon.

Magkaroon ka ng time na makapagpahinga o di kaya nama’y makapag-relax. Makinig ng mga magagandang awitin o subukan mong pumunta sa spa para magpamasahe ng katawan.

Kumain ng mga masusustansyang pagkain. Iwasan ang mga pagkain na maraming sugar, caffeine at pati na alcohol. Sa panandalian ang sugar at caffeine ay nakapagbibigay ng enerhiya, ngunit sa kalaunan ay sanhi rin ang mga ito ng pagkabalisa, tensyon at iba’t ibang internal problem.

Ang iba dinadaan sa pag-inom ng alcohol para sila ay makalimot sa problema. Ngunit ito rin ay maaaring makapagpalala pa lalo ng sitwasyon.

Kaya’t mag-exercise ka na lang, makakatulong itong labanan ang depresyon. Sa pamamagitan nito, ang katawan natin ay magpo-prodyus ng maraming endorphins, ito ay kung tawagin ay “happy chemicals” dahil sa nakakatanggal ito ng stress at humihimok ng pakiramdam na pagiging masaya.

Makihalubilo sa iyong mga kapamilya at mga kaibigan. Sila ay makatutulong na makapagbigay sa iyo ng moral support. Ang pagkakaroon ng oras sa kanila at pagsali sa mga aktibidad na kasama ang mga mahal mo sa buhay ay nakapagbibigay ng lubos na kasiyahan.

Hayaan mong yumakap sila sa’yo at iparamdam sa’yo na mahal ka nila. Sa paraang ito, mararamdaman mo na marami ang sa iyo ay nakauunawa at nagmamahal. Tiyak na makakayanan mo ang depresyon.

Bukod pa riyan, makatutulong din itong palakasin ang immune system at malabanan ang ilang uri ng karamdaman.
Source: medicmagic



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...