Skip to main content

Tips Sa Paggawa ng Peanut Butter


Ang peanut butter ay gawa sa inihaw na mani, kadalasan ay maalat at kung minsan naman ay minatamis. Mabibili ito sa grocery at mga tindahan ngunit kayang-kaya mo itong gawin kahit nasa bahay lang.



Isang masarap na palaman sa tinapay ang peanut butter kaya’t gustong gusto rin ito lalo na ng mga bata. Ang peanut butter din ay mataas sa protina kaya’t may buting dulot din naman sa kalusugan.


Kung paborito mo ang peanut butter at naghahanap ka ng sideline. Bakit hindi mo subukan ang pagbebenta ng home made peanut butter. Simulan mo sa iyong mga kapitbahay o mga kaibigan. Tiyak na kapag masarap ang peanut butter na gawa mo, ay sa iyo na sila bibili.

Heto ang tips sa paggawa ng peanut butter:

Mga Sangkap

1 kilo ng inihaw na mani
1 ½ tasa ng asukal
1 ½ tbsp ng asin
1 tasa ng mantika
Food Blender

Ito ang paraan ng pagluluto:
  1. Tanggalin ang balat ng mani
  2. Para sa isang creamy style na peanut butter, gumamit ng blender sa paggiling sa mani. Makagagawa ka ng creamy peanut butter sa pamamagitan ng maiging paggiling sa mani kasama ng mixtures.
  3. Kung nais mo naman ng chunky peanut butter, ilagay ang mani sa food processor o sa isang gilingan. Maglagay lamang ng mga malalaking piraso ng dinurog na mani sa creamy mixture  pagkaraang gilingin.
  4. Magdagdag ng isa hanggang dalawang kutsarang mantika sa kaunti dami at igiling muli ang mixture hanggang sa magpantay ng muli ang peanut butter.
Source: businessdiary.com.ph



Comments

  1. gud day ..may ililinaw na tanong lang po ako. sa isang kila pong mani na gagawing peanut butter ay may sangkap na 1 1/2 na asin bawat kilo ? di po ba mapapa alat masyado ang gagawin kung peanut butter ? marami pong salamat .. mabel of caloocan city

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1 1/2 table spoon lang naman
      Dinaman aalat yon

      Delete
    2. 1 1/2 table spoon sa isang kilong mani, hindi naman aalat yon

      Delete
    3. 1 1/2 table spoon sa isang kilong mani, hindi naman aalat yon

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah