Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst.
Cyst- What it is and What to Do? |
Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, kung minsan ay nagpapabalik-balik ang cyst na ito kapag hindi maayos ang pagkaka-opera.
If you have cyst on your spinal cord, ang tawag dito ay meningomyelocoele. May kahirapan operahin ito kapag may spinal nerve na tinamaan habang inoopera, puwede itong magbunga ng paralisis ng ilang bahagi ng katawan. Kaya ang maipapayo ko ay ipakita ito sa isang dermatologist para makasiguro kung ano ang uri ng cyst mayroon ka.
source: Sabi ni Doc-Bulgar
how about yung bukol sa palad? cyst din ba yun?
ReplyDelete