Skip to main content

Tips Sa Paggawa ng Powder Detergent Fabric Softener at Dishwashing Liquid


-->
Tatlo sa pangkaraniwan ng panlinis sa bahay ay ang detergent para sa paglalaba, fabric softener para maging mabango at malambot ang mga nilabhang damit at dishwashing liquid na maigi sa pagtanggal ng dumi at lansa sa plato at iba pang gamit sa hapagkainan.

Sa mga nais kumita ng extrang pera. Pwedeng-pwede mong subukang magbenta ng powder detergent, fabric softener at dishwashing liquid.

Ito ang Tips Sa Paggawa para sa tatlong produktong ito - mga kailangan:


Basin
Wooden Ladle/ Plastic Ladle
Tasa at kutsarang panukat
Plastic bag na transparent
Timba
Electric stove
Maliit at medium size na botelya
Timbangan
Hand gloves

Unahin natin ang paggawa ng powder detergent:

Mga sangkap

1000 g ng soda ash
160 g ng Linear Alykyl Benzene Sulfuric (LABS)
100 ml ng distilled water
40 g sodium tripolyphospate (STPP)
800g sodium sulfate
100g sodium metasillicate
40g sodium perborate
20 g ng carboxy methyl celluse (CMC)
24 g coco fatty alcohol sulfate (CFAS)
10g speckles
5ml ariel

*ito ay makagagawa ng 2 kilo ng powder detergent

Ito ang paraan para makagawa ng powdered detergent:
  1. Paghaluin ang soda ash at LABS. Gumamit ng wooden ladle sa paghahalo
  2. Idagdag ang 100 ml ng tubig
  3. Haluin maigi hanggang sa lumamig
  4. Idagdag pa ang natitirang mga sangka at haluin
  5. Pwede mo itong lagyan ng pabango kung nais mo at i-pack na para ibenta
Sa Paggawa naman ng fabric softener, ito ang mga sangkap:

250 g ng Fabric Softener Flakes
10 ml ng Ethyl Alcohol
10 ml ng Downy Scent

*Maaaring makagawa ito ng 3 litro ng fabric softener

Ito ang paraan kung paano gawin:
  1. Durugin ang 250 gram ng fabric softener flakes sa isang plastic container, gumamit ng wooden ladle
  2. Dahan-dahang haluin ang flakes sa 2 L ng hot de-ionized na tubig at haluin para matunaw ang flakes
  3. Haluin at hayaang lumamig
  4. Kapag natunaw ng lahat ang flakes, maghalo at idagdag ang 1 litro ng de-ionized o distilled na tubig
  5. Sunod-sunod na idagdag ang  10 ml ng ethyl alcohol at 5 ml-10 ml ng downy fragrance
Sa paggawa naman ng dishwashing liquid, ito ang mga sangkap:

Sodium Lauryl ethyl sulfate (SLES) 150g
Sodium chloride 50g
Coco deethanolomyte (CDEA) 60ml
Water soluble-dye green 10 ml
Benzalkonium chloride .01 ml
Kalamansi scent 10 ml
*Makagagawa ito ng 2 litrong dishwashing liquid

Ito ang paraan para gawin ito:
  1. Maghalo ng 150 g ng SLES na may 50g ng sodium chloride
  2. Haluin at dahan-dahang idagdag ang 1400 ml ng hot-ionized na tubig
  3. Ihalo ang additives a fragrance pagkaraa’y palamigin
  4. Ilagay sa plastic container o botelya.
Ikaw? Nais mo bang mag-negosyo ng fabric softener, detergent at dishwashing liquid? Hindi ba’t napakadali lamang gawin ng mga ito. Madali na, puwede ka pang kumita.

Murang Sabon sa Cavite (Retail and Wholesale) Text 09176594638
Source: businessdiary

-->

Comments

  1. Saan po nabibili ang mga ingridients na kakailanganin?

    ReplyDelete
  2. Saan Po nakaka bili Ng mga engregens n mga kakailanganin

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...