Huwag mong maliitin ang tulong ng iyong mga ngiti (smile). Sapagkat ito ay nagbibigay ng mga positibong benepisyo sa ating kalusugan lalo na sa ating mental health. Maaari mo ngang makita ang kondisyon ng iyong kalusugan sa iyong pag-smile.
Ayon sa pagsasaliksik ng Pyschological Science Journal, ang
pagngiti ay nakababawas sa stress at pagbagal ng ating heart rate. Lalo na’t sa
tuwing ikaw ay nakakaranas ng pagkabalisa, kalungkutan o depresyon.
Sa isang pag-aaral na pinangasiwaan ng mga eksperto na
tinugunan ng 169 respondent- kung saan sila ay hinati sa tatlong grupo. Ang
grupong mayroong neutral na ekspresyon, ang isa nama’y grupo ng may flat na
ekspresyon i at ang huli’y may pantay na ngiti. Upang mapanatili ang kanilang
ekspresyon ay pinagamit ang mga tumugon ng chopstick sa kanilang bibig.
Habang sila’y nasa ganoong ekspresyon, pinagawa sa kanila
ang ilang sitwasyon na maaaring makapagpa-stress sa kanila.
Ayon sa Telegraph, sa usapan tungkol sa heart rate, ang
grupo na naka-smile ay mayroong mabagal na heart rate kaysa sa grupong
naka-neutral lang ang ekspresyon.
Pinatunayan nito na kapag tayo ay nakangiti habang
nakararanas ng mga hindi magagandang pangyayari sa buhay ay binabawasan nito
ang kasidhian ng pagtugon natin sa stress. Tinutulungan ng ngiti na ang tao ay
makatakas sa tunay niyang nararamdaman.
Bakit hindi mo subukang ngumiti sa tuwing ikaw ay
nababad-trip o nakararanas ng mga bagay na nakaka-irita sa iyo? Tiyak na hindi
lang nito babaguhin ang mood mo kundi mababawas din ang stress mo. Isa pa,
kapag ikaw ay pala-ngiti, mas mahaba ang buhay mo.
Source: medicmagic

Comments
Post a Comment