MALIBAN sa pagbabawas ng timbang sa katawan at maayos na kondisyon ng puso ng isang tao, ang paglalakad ay nagdudulot din ng iba pang benepisyo na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Lumalaban sa breast cancer. Ang paglalakad ay napatunayang nakababawas sa mataas na level ng estrogen sa katawan, habang nakababawas pa ito sa panganib na dulot ng iba pang estrogen-related disease.
2. Nakapagpapabuti ng mood. Ayon sa pananaliksik, ang 30 minutong paglalakad ng isang tao sa bawat araw ay nakapagpapataas ng produksiyon ng mood-boosting chemicals na kilala bilang endrophins na mainam upang maging maayos ang mood at maging mabuti sa pakikisalamuha sa ibang tao.
3. Nakapagpapahimbing ng tulog. Ayon sa pag-aaral; lumalabas na ang paglalakad ay nakapagpapataas ng level ng tinatawag na relaxation hormone serotonin na siyang dahilan upang magkaroon ng mas masarap na tulog at pahinga.
Comments
Post a Comment