Skip to main content

UTI and Hemorrhoid: SANHI, SINTOMAS AT LUNAS NG UTI AT ALMORANAS

Ano ba ang mga symptoms ng UTI at ano ang mga gamot na para rito? – 639198118***




Urinary Tract Infection o UTI ang tinatawag kung may infection sa daluyan ng ihi at ang karaniwang sanhi nito ay organismong E. Coli.

Anatomically ay maikli ang urethra o daluyan ng ihi ng babae kaysa mga lalaki kaya mas madalas na Makita ang UTI sa kababaihan.



Ang isang may UTI ay nakararanas ng mahirap at masakit na pag-ihi, paputol-putol at papatak-patak na pag-ihi, minsan ay may lagnat, pananakit ng puson at chills. Kung may mga sintomas na nabanggit, maipapayo ang ipa-examine ang ihi at kung positibo, antibiotiko ang lunas para rito.

2. Madalas po akong magkaroon ng almoranas, mga once a month. Iniinuman ko po ng varimoid tablet at nawawala naman, paano ba para hindi na ito bumalik? – 639186712***



Sa almoranas, ang apektadong ugat ay nasa palibot ng butas ng puwit at kapag tumaas ang presyon sa loob ng ugat sanhi ng labis na pag-ire, puwedeng sumabog ang mga ugat na ito kaya nakikita nating nagdurugo ang puwit. At kung inyong mapapansin, kapag constipated at mahirap dumumi, may sumasamang dugo sa dumi dahil sa labis na pag-ire.




Madalas na dahilan ng pagkakaroon ng almoranas ay kapag constipated tayo at hirap sa pagdumi, kaya kapag nangyari ito, makatutulong ang laxative tablet o anal suppository at ang pag-upo sa isang palangganang may maligamgam na tubig.


Para makaiwas sa constipation, kailangan uminom ng 8 basong tubig o fruit juice sa loob ng isang araw, kumain ng mas maraming gulay at prutas.


- - Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane M. Ludivice, MD


Basahin din ang mga natural na lunas sa UTI


Maaaring Subukan Ang Herbal Na Lunas Sa U.T.I at Almoranas

Comments

  1. gud am, may gusto lang po akong itanong, bakit po minsan, dahil sa sobrang pagod at stress, lumalabas po ang almoranas na may kasamang pagdurugo?? iba po ba ang treatment sa ganun?? marami pong salamat..

    ...peaches...

    ReplyDelete
  2. salamat po at may ganitong klase ng konsulta sa internet.. nalaman ko na ngayon ang sakit ko a gamot na bibilhin ko. salamat doc

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  4. akodin kahiprap tlga..at dumi..

    ReplyDelete
  5. Ako din po,di makatulog dahil sa sakit ng almoranas.napagod po kc ako bung maghapon sa mga gawaing bahay at paglalakad ng malayo.ano po ang dapat gawin bilang first aid dahil wala po akong gamot dito sa bahay sa ganitong dis oras ng gabi.

    ReplyDelete
  6. Panu ba malalaman kung may almoranas qng isang tao?..

    ReplyDelete
  7. Panu ba malalaman kung may almoranas isang tao?.

    ReplyDelete
  8. MERON PO AKONG NAKAKAPA SA ANUS KO,NAG SATART PO ITO NUNG CONSTIPATED AKO AT LAGI PO AKO UMIIRI..UN PO PA ANG TINATAWAG NA ALMORANAS?
    SALAMAT PO NG MARAMI..

    ReplyDelete
  9. bkit ganun ng treatment nko sa uti ko,pero bumalik uli ito?

    ReplyDelete
  10. ask q lang po bkit ganun 1yr. na po ang almuranas ko nd nawawala pero nd nman lumalaki nd rin masakit pinapairan q po ng katialis daily,,nd rin nawawala..mawawala pa kaya ang almuranas ko doc?

    ReplyDelete
  11. Base sa mga symptoms na nararamdaman ko, may almoranas daw ako sabi ng kakilala ko na may ganito din. Minsan na nangyari ito sa akin, pero ito na naman, bumalik, siguro dahil sa mga dapat sanang iwasan ko, sya naman ginagawa ko gaya ng laging pagbubuhat ng mabigat, hindi masyadong umiinom ng tubig at iba pa na dapat sanay iniwasan ko .... Kaya ngayon, ilalagay ko na talaga sa isipan ko 'yong mga paraan para maiwasan na ito. Kakaumpisa palang itong sa akin, kaya ayaw kong lumala pb :(

    ReplyDelete
  12. Nakakaranas po ako ngayon ng pagdurugo sa pagdumi ko nagstart po to nung nagbakasyon kmi sa probinsiya,nagiigib po kmi ng tubig araw at grabe po ang init.dun na po nagsimula ang pagdurugo.hindi naman po masakit ang pagdumi ko,un nga lang may dugo na everytime na dudumi ako at pakiramdam ko po ang bigat at ang tigas ng tiyan ko,parang busog na busog palagi khit di po ako kumakain at nakakaramdam po ako ng pananskit ng balakang ko tumutugon po sa pababa bahagi ng katawan ko(paa)
    Ano po kaya tong sakit kong to.tako po akong magpakonsulta dahi takot po akong maoperahan.need advice po.salamat po

    ReplyDelete
  13. My advise is try Take Sante pure barley. AlmOst all Diseases are cured by SANTE PURE BARLEY because it repairs all the damaged parts Of Our bOdy...

    ReplyDelete
  14. Nakakasama po b ang hindi maayos ang pagbowel???kc po 3 araw n ako na konti lng ang lumlabas,may colon cancer nb aq???

    ReplyDelete
  15. pano po ba makabili n medicine para sa almoranas?basi po sa nabasa ko n describe n na post.how much po ba yan?like ko po mawala na almoranas ko an hirap po kumilos.dati nawala na to pero bumalik ulit at mas irritate xa now kesa dati.please answer me.salamat.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...